backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Ano Ang Mga Mabisang Pampaputi Ng Singit? Narito Ang Mga Home Remedies

Narebyung medikal ni Martha Juco, MD · Aesthetics


Isinulat ni Fiel Tugade · a

    Ano Ang Mga Mabisang Pampaputi Ng Singit? Narito Ang Mga Home Remedies

    Ikinokonsidera mo ba ang pagpapaputi ng iyong singit? Karaniwang hindi naman mapanganib ang pagkakarooon ng maitim na panloob na hita at maaaring hindi ito mangailangan ng paggamot. Ngunit ang ilang mga tao ay maaaring mas gusto na matanggal ang madilim na bahagi ng balat. Mainam na magpasuri sa isang dermatologist upang malaman kung ano ang pinagmulan ng mga madilim patches ng isang tao.

    Ano Ang Nagdudulot Ng Pagdidilim Ng Balat?

    Mayroong ilang mga dahilan kung bakit ang balat sa iyong panloob na mga hita ay nagiging mas madilim, ngunit ang pinakakaraniwan ay hyperpigmentation. Ito ay nangyayari kapag ang mayroon nagawang labis na melanin sa isang partikular na bahagi ng katawan. Sinuman ay maaaring magkaroon nito, anuman ang kulay ng balat, ngunit maaaring mas kapansin-pansin ito sa mga may mas maitim na kutis.

    Ang mga age spots o sun spots, pati na rin ang melasma at post-inflammatory hyperpigmentation, ay nailalarawan sa pamamagitan ng pagdidilim ng mga patch o spot sa balat. Ito ang nagbibigay sa balat ng hindi pantay na kulay at itsura.

    Ang hyperpigmentation ay maaaring buhat ng:

    • Trauma, tulad ng chafing mula sa patuloy na paggalaw o friction
    • Hormonal imbalance, partikular sa mga kababaihan nagpapasuso, buntis, o nakararanas ng kanilang regla
    • Ilang mga gamot, tulad ng oral contraceptives o partikular na mga chemotherapy medications
    • Sun exposure
    • Dry skin
    • Mga kondisyon sa balat tulad ngacanthosis nigricans (patches). Ang acanthosis nigricans ay maaaring sintomas ng insulin resistance.

    Pag-Iwas

    Tulad ng nabanggit, ang hyperpigmentation ay maaaring dahil sa chafing. Upang maiwasan ang pangangati, regular na i-moisturize ang balat at iwasang magsuot ng masisikip na damit. Ang friction na dulot ng magaspang na materyal at paggalaw ay maaaring humantong sa hyperpigmentation.

    Bilang karagdagan, ang mga dark patches ay maaari ring sanhi ng pinagbabatayang medikal na mga kondisyon tulad na laman ng diabetes o mga side effect dahil sa gamot. Maaari ring ang pagkikiskisan ng hita ay bunga ng obesity. Kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa iyong mga katanungan at alalahanin.

    Mga Mabisang Pampaputi Ng Singit 

    Para sa mabisang pampaputi ng singit, maaari mong subukan ang 3 na natural home remedies na ito. Isang munting paalala: nararapat na palagi mong kunsultahin ang iyong doktor o dermatologist bago maglagay ng anuman sa iyong balat.

    1. Lactic Acid Mixture

    Unang tip sa mabisang pampaputi ng singit: Maglagay ng pinaghalong dalawang kutsarita ng yogurt, tag-isang kutsarita ng milk powder, potato juice, at lemon juice. At pagkatapos ay iwanan ito sa may pigmented area sa loob ng 10 hanggang 15 minuto bago ito banlawan ng tubig. Ang lemon at potato juice ay parehong naglalaman ng lactic acid, na natural na nagpapaputi ng balat.

    Dapat mag-ingat sa paggamit ng mga acid (tulad ng calamansi o lemon juice). Maaari itong magsunog ng balat at magdulot ng higit pang pagdidilim.

    2. Baking Soda

    Pangalawang tip sa mabisang pampaputi ng singit: Ang baking soda ay isang magandang natural lightening agent na madaling magpaputi ng maitim na panloob na hita at maging ang maitim na kili-kili. Paghaluin ang 1 kutsarita ng baking powder na may ilang patak ng tubig at ilapat ito sa iyong panloob na hita.

    3. Coconut-Lemon Concoction

    Pangatlong tip sa mabisang pampaputi ng singit: Habang ang lemon na sagana sa vitamin C ay gumagana upang mabawasan ang hyperpigmentation, ang coconut oil ay nag-hyhydrate at nagpapalusog ng naturang bahagi. Ilagay ang pinaghalong 2-3 kutsara ng coconut oil at 1 kutsarita ng lemon sa dark patch at panatilihin ito sa loob ng 10-15 minuto.

    Ang pagiging epektibo nito ay hindi pa nasisigurado. Kumunsulta sa iyong dermatologist para sa pinakamahusay na paraan ng paggamot upang mapaputi ang singit.

    Mga Paalala Sa Mabisang Pampaputi Ng Singit

    Maraming mga produkto ang magagamit sa merkado na nag-aanunsyo ng agaran at  makabuluhang pagpaputi. Maaaring kabilang dito ang mga ipinagbabawal o kahina-hinalang sangkap na hindi ligtas para sa balat. Ang ilang partikular na solusyon sa mabisang pampaputi ng singit ay maaari ring magdulot ng mga paso at humantong sa mga masamang epekto na maaaring mas makasama kaysa makabuti sa iyo. Huwag subukan ang mga produkto na hindi naman nabanggit o naireseta ng iyong dermatologist.

    Mga Medical Procedures

    Ano ang mga posible at mabisang pampaputi ng singit? Malaking tulong ang mga pagsulong sa aesthetic medicine at cosmetology. Ito ay marahil maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan para sa iyong kondisyon ang mga dermatologist. Maaari silang gumamit ng kombinasyon ng ilan sa mga kilalang paraan ng paggamot sa maitim na singit at tulungan kang makamit ang mga resulta sa loob ng ilang linggo. Magtakda ng appointment sa iyong dermatologist para sa maaayos na pagsusuri at maaari nilang i-draft ang pinakamahusay na plano sa pamamahala nito.

    Key Takeaway

    Karaniwang hindi nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng isang tao ang maitim na panloob na hita. Ngunit para sa anumang mga alalahanin, pinakamahusay na kumunsulta sa iyong doktor o dermatologist upang maalis ang anumang mga medikal na konsiyon na maaaring maging sanhi nito. Upang maiwasan ang maitim na hita, magsuot ng maluluwag na damit upang maiwasan ang pangangati ng balat. Dagdag pa rito, makatutulong din ang regular na pag-moisturize ng balat. Lagi’t lagi, kumunsulta sa iyong dermatologist bago simulan ang alinman sa mga nabanggit na home remedies. 

    Alamin ang iba pa tungkol sa Pangagalaga at Paglinis ng Balat dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Martha Juco, MD

    Aesthetics


    Isinulat ni Fiel Tugade · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement