Mga Dapat Asahan Matapos Ang Operasyon
Maaaring isagawa ng surgeon ang operasyong ito nang may local o general anesthesia depende sa plano ng operasyon, kagustuhan ng pasyente at surgeon, at pangangailangan sa kasabay na operasyon.
Ang simpleng blepharoplasty sa itaas/ibabang talukap ng mata ay nangangailangan ng paggamit ng local anesthesia kung saan ang kinakailangan lamang ay ang pagtanggal ng balat. Sa kabilang banda, ang mas invasive na mga operasyon tulad ng lower blepharoplasty na may fat repositioning, mid-face lifts, at endoscopic browlifts, ay maaaring mangailangan ng general anesthesia.
Kadalasang kinabibilangan ng mga sumusunod ang operasyon sa itaas na talukap:
- Paggawa ng hiwa (tahi) sa eyelid crease kung saan nakatupi ang natural na balat.
- Pagtangga ng sobrang balat, taba, o muscle sa paligid ng bahagi
- Pagtahi sa hiwa. Ang natural na tupi sa talukap ng mata ay maaaring makatulong upang maiatago ang peklat.
Sa kabilang banda, ang operasyon sa ibabang talukap ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Paggawa ng hiwa sa loob ng ibabang talukap o kahit sa baba ng ibabang talukap.
- Muling pagposisyon o pagtanggal ng fat mula sa bags sa ilalim ng mga mata, maging sa kaunting balat.
- Pagsuporta sa muscles ng talukap ng mata at tendon kung kinakailangan.
- Pagtahi ng hiwa.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap