backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Scleroderma: Ano Ito at Anu-anong Sintomas Nito?

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD · Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lovely Carillo · a

    Ano ang scleroderma at bakit humigit-kumulang 250 sa bawat milyong Amerikano nasa nasa hustong gulang ang apektado nito? Bagama’t kadalasang nabubuo sa pagitan ng edad na 35 at 55, mayroon din nito ang mga bata. Mas karaniwan nga lang ito sa mga babae kaysa sa mga lalaki.

    Kilala ang scleroderma bilang systemic sclerosis, isang grupo ng mga bihirang sakit na kinabibilangan ng pagtigas at paninikip ng balat. Maaari rin itong magdulot ng mga problema sa mga daluyan ng dugo, panloob na organs at digestive tract. Ang scleroderma ay isang autoimmune connective tissue at rheumatic disease. Ito ay nagdudulot ng pamamaga sa balat at iba pang bahagi ng katawan. 

    Ano ang scleroderma at ugnayan nito sa immune response

    Kapag nililinlang ng immune response ang mga tissue sa pag-iisip na sila ay nasugatan, nagiging sanhi ito ng pamamaga. Pag nangyari ito, gumagawa ng maraming collagen ang katawan at humahantong sa scleroderma. Ang sobrang collagen sa iyong balat at iba pang mga tisyu ay nagiging sanhi ng mga patch ng masikip at matigas na balat. Nagsasangkot ng maraming sistema sa iyong katawan ang scleroderma. Mas mauunawaan mo ang kondisyong ito kapag alam mo kung paano nakakaapekto ito sa bawat isa sa mga system na iyon.

    Uri ng scleroderma

    Mas maiintidihan mo kung ano ang scleroderma kung alam mo ang mga uri nito. Mayroong ilang iba’t ibang uri ng scleroderma na maaaring mag-iba sa kalubhaan. Ang ilang mga uri ay medyo banayad at sa kalaunan ay maaaring bumuti nang mag-isa, habang ang iba ay maaaring humantong sa malala at nakamamatay na mga problema.

    Narito ang dalawang pangunahing uri ng scleroderma:

    1. Localized scleroderma

    Ito ay nakakaapekto lamang sa balat at sa mga istruktura nang direkta sa ilalim ng balat.

    2. Systemic scleroderma o systemic sclerosis

    Ito ay nakakaapekto sa maraming sistema sa katawan. Ito ang mas malubhang uri ng scleroderma at maaaring makapinsala sa mga daluyan ng dugo at mga panloob na organs tulad ng puso, baga, at bato.

    Ano ang scleroderma at ugnayan nito sa collagen

    Hindi gaanong alam ng mga eksperto ang sanhi ng scleroderma. Gayunpaman, iniisip ng mga mananaliksik na ito ay dulot ng agarang reaksyon ng immune system. Ito ay nagiging sanhi ng pamamaga at pinsala sa mga selula na nasa linya ng mga daluyan ng dugo. Inuutusan nito ang mga connective tissue cells tulad ng fibroblasts na gumawa ng maraming collagen at iba pang mga protina. Ang fibroblasts ay nabubuhay nang mas mahaba kaysa sa normal, na nagiging sanhi ng pagdami ng collagen sa balat at iba pang mga organs. ito ay humahantong sa mga palatandaan at sintomas ng scleroderma.

    Ano ang scleroderma at sino ang nagkakaroon nito?

    Hindi lang dapat alamin kung ano ang scleroderma dahil mahalaga ding malaman kung sino ang nagkakaroon nito. Kahit sino ay maaaring makakuha ng scleroderma. Gayunpaman, ang ilang mga grupo ay may mas mataas na panganib na magkaroon nito depende sa sumusunod:

    • Kasarian. Ang scleroderma ay mas karaniwan sa mga babae kaysa sa mga lalaki.
    • Edad. Karaniwang lumilitaw ang sakit sa pagitan ng edad na 30 at 50 at mas karaniwan sa mga matatanda kaysa sa mga bata.
    • Lahi. Ang scleroderma ay maaaring makaapekto sa lahat ngunit maaaring mas seryoso ang epekto sa mga African-Americans.

    Mga palatandaan at sintomas 

    Mga Palatandaan

    Malalaman mo kung ano ang scleroderma sa pamamagitan ng mga sintomas nito. Halos lahat ng may scleroderma ay nakakaranas ng paninigas at paninikip ng balat. Ang mga unang bahagi ng katawan na maaapektuhan ay karaniwang mga daliri, kamay, paa at mukha. Sa ilang mga tao, maaari ding kumapal ang balat sa may bisig, itaas na braso, dibdib, tiyan, ibabang binti at hita. Maaaring kabilang sa mga unang sintomas ang pamamaga at pangangati.
    Kung ikaw ay may scleroderma, mahalagang kumain ng malusog, mag-ehersisyo nang regular at huminto sa paninigarilyo. Kung susundin mo ito, mapapanatili mong kontrolado ang presyon ng iyong dugo at mas mapapabuti ang iyong sirkulasyon. Makakatulong rin ang pagbabasa tungkol sa kondisyon mo at ang pakikipag usap sa ibang tao na apektado din.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Mia Dacumos, MD

    Nephrology · Makati Medical Center


    Isinulat ni Lovely Carillo · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement