backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Fish Oil para sa Tigyawat, Mabisa nga ba?

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD · General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

    Fish Oil para sa Tigyawat, Mabisa nga ba?

    Isang uri ng dietary supplement ang fish oil na binubuo ng omega-3 fatty acids. Kapag ininom ito (capsule, liquid, o pill), nagbibigay ang fish oil ng napakaraming benepisyo tulad ng pagpapabuti ng muscle activity, cell growth, paggana ng utak, at pag-iwas sa sakit. Ang mahahalagang fats na makukuha sa fish oil ay hindi naibibigay ng katawan. Kaya’t kailangan itong makuha mula sa pagkain. Bagaman kilala ang maraming benepisyo ng fish oil sa kalusugan, hindi masyadong popular ang fish oil para sa tigyawat. Gaano ito kabisa?

    Mga Benepisyo ng Fish Oil Supplements 

    May dalawang omega-3 fatty acids na matatagpuan sa fish oil. Ito ang docosahexaenoic acid (DHA) at eicosapentaenoic acid (EPA). Ang DHA at EPA ay makukuha sa fatty fish gaya ng salmon, shellfish, tahong, talaba, mackerel, trout, at alimango. Isa pang uri ng omega-3 ang alpha-linolenic acid (ALA) na matatagpuan sa iba pang pagkaing hindi isda, tulad ng seeds, vegetable oils, at mani. Maraming benepisyo sa kalusugan ang fatty acids na ito.

    May tatlong formulations ang fish oil: pill, capsule, at liquid. Kadalasang iniinom ng mga tao ang fish oil dahil sa kakayahan nitong magpagaling ng pamamaga. Based sa mga pag-aaral, nagagawang gamutin ng fish oil supplements ang mga sumusunod na kondisyon:

    Sakit sa Puso

    Lumalabas sa mga pag-aaral na ang mga taong umiinom ng fish oil ay may mababang tsansang makaranas ng sakit sa puso. Gayunpaman, sinabi rin sa mga pag-aaral na ito na may kaunti o walang benepisyo ang fish oil sa puso. Tumutulong lang ito upang makaiwas sa sakit sa puso ngunit hindi nito napabubuti ang kalusugan ng puso. 

    Rheumatoid Arthritis

    Nakatutulong ang pag-inom ng fish oil supplements upang guminhawa mula sa rheumatoid arthritis. Ang mga sintomas gaya ng pananakit, paglambot ng kasukasuan, at morning stiffness ay puwedeng masolusyunan ng fish oil supplements. Tandaang hindi ginagamot ng fish oil ang mga kondisyong ito. Binabawasan lang nito ang discomfort mula sa arthritis. Dagdag pa, iniiwasan ng fish oil na uminom ang tao ng nonsteroidal anti-inflammatory medications.

    High Blood Pressure

    Medyo napabababa ng fish oil ang blood pressure, lalo na ng mga taong may moderate to severe high blood pressure. Maaaring walang makitang pagbaba ng blood pressure sa mga taong may elevated (mild) blood pressure kung iinom sila ng fish oil supplements.

    Mataas na Triglycerides at Cholesterol

    Kayang makabawas ng triglycerides – isang uri ng fat na matatagpuan sa dugo, ang pag-inom ng mataas na doses ng omega-3. Para naman sa cholesterol, napatataas ng fish oil supplements ang parehong good at bad cholesterol.

    Mga Problema sa Balat 

    Maraming mga pag-aaral ang nagpakitang nagbibigay ng mga benepisyo sa kondisyon ng balat tulad ng kanser sa balat, dermatitis, eczema, allergy, at melanogenesis ang fish oil supplements. Kayang mapabuti ng fatty acids ng fish oil ang skin’s barrier at nakatutulong sa pagpapagaling ng mga sugat. Lumabas sa mga pag-aaral ang positibo nitong resulta sa mga taong may moderate to severe acne.

    Epektibo ba Ang Fish Oil para sa Tigyawat?

    Epektibo ang fish oil para sa tigyawat sa ilang pagkakataon. Narito ang dahilan kung bakit.

    Sa isang pag-aaral, binigyan ng fish oil supplements ang mga lalaking kalahok na nasa edad 18 – 40 taong gulang, na may magkakaibang tindi ng tigyawat (mild, moderate, at severe). Tandaang walang ibang iniinom na acne medications, treatments o omega-3 supplements ang mga kalahok.

    Matapos ang labindalawang linggong tuloy-tuloy na pag-inom ng fish oil supplements (sa capsule), malaki ang ipinagbago ng mga kalahok na may moderate to severe acne. Sa kabilang banda, ang mga kalahok na may mild acne noon ay hindi nakaranas ng anumang pagbabago. At mayroon namang lumala ang kanilang tigyawat. 

    Ayon sa mga mananaliksik, epektibo lamang ang fish oil sa mga taong may moderate to severe acne, kumpara sa mga may mild acne lamang. Sinabi rin nilang walang anumang kapansin-pansing epekto ang fish oil sa mga taong may mild acne dahil walang gaanong pagbabago ang puwedeng mangyari dahil hindi naman malala ang tigyawat.

    Lumabas din sa pag-aaral na ang fish oil para sa tigyawat ay epektibo sa pagbawas ng pamamaga. 

    Safety Tips sa Paggamit ng Fish Oil

    Bago uminom ng anumang fish oil supplements, tiyakin na:

  • Susundin ang dosage na nakasulat sa label ng fish oil supplement.
  • Inumin ito nang may pagkain
  • Narito ang iba pang safety tips na dapat isaalang-alang:

    • Tiyaking hindi ka allergic sa fish oil supplement bago ito inumin. Kung may allergies ka, kumonsulta sa iyong doktor para sa alternatives upang gamutin ang iyong tigyawat.
    • Huwag isabay ang pag-inom ng fish oil sa iba pang gamot dahil maaari itong mag-interact at magdulot ng blood clotting. Kaya’t kung umiinom ka ng fish oil para sa tigyawat at umiinom ng iba pang oral acne medications, mas mainam kung manatili lang sa alinman sa isa. Huwag uminom ng parehong gamot sa parehong pagkakataon.
    • Kung nasa mabuti kang kalusugan, hindi na kailangang uminom ng fish oil para sa tigyawat. SA halip, puwede kang kumonsumo ng fatty acids.
    • Sa pagbili ng fish oil para sa tigyawat, iwasan ang supplements na may fish liver oils. Wala kasi itong gaanong omega-3.
    • Kung buntis at nagpapasuso, iwasang uminom ng fish oil supplements. Mayroong vitamin A ang fish oil supplements.
    • Kung umiinom ka ng gamot na pampanipis ng dugo, kumonsulta sa doktor tungkol sa pagkonsumo ng fish oil para sa tigyawat. Puwede kasi nitong mapanipis din ang iyong dugo.

    Key Takeaways

    Epektibong treatment ang fish oil supplement para sa may moderate to severe na tigyawat. Kung mild lang ang tigyawat mo, maaaring mas mabuti kung kumuha na lang ng topical medications. Palaging kumonsulta sa doktor bago uminom ng anumang supplements. Marami pa ring mga pag-aaral ang kailangang magawa sa mga supplement dahil maaaring may negatibo rin itong epekto sa kalusugan.

    Matuto pa tungkol sa Tigyawat dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Jezreel Esguerra, MD

    General Practitioner


    Isinulat ni Daniel de Guzman · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement