backup og meta

Pampatak Sa Tenga: Para Saan Ito At Paano Ginagamit? Alamin

Pampatak Sa Tenga: Para Saan Ito At Paano Ginagamit? Alamin

Ang eye drops ay ginagamit para sa ilang mga kondisyon sa mga mata. Tulad nito, mayroon din nakalaan na ear drops o pampatak sa tenga. Ngunit, para saan ang mga ganito? Bukod pa rito, paano ito ginagamit? Ligtas bang gamitin ito sa mga bata? Alamin ang mga kasagutan sa artikulong ito. 

Pag-Unawa Sa Mga Posibleng Kondisyon Sa Tenga 

Bagaman hindi kadalasang napag-uusapan, hindi naman nakaliligtas ang ating mga tenga sa mga posibleng impeksyon

Katulad ng ipinapahiwatig ng pangalan, ang impeksyon sa tenga ay tumutukoy sa impeksyon na maaaring sanhi ng mga bacteria at viruses. Mayroon iba’t ibang uri ng impeksyon. Ang middle ear infection ay natatagpuan sa gitnang bahagi, kung saan ang puwang na puno ng hangin sa likod ng eardrum na naglalaman ng maliliit na vibrating bones ng tenga. Kadalasan, nagsisimula ito matapos ang pagkakaroon ng sipon o iba pang respiratory infection. Kung minsan, ito ay tinatawag din na acute otitis media, na kadalasan nakukuha ng mga bata kaysa sa mga matatanda. 

Ilan sa mga sintomas ng impeksyon sa tenga ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

pampatak sa tenga

Ang otitis media with effusion ay isa pang kondisyon na nakaaapekto sa gitnang tenga. Nangyayari ito kapag naipon ang likido sa gitnang tenga. Ngunit, hindi tulad ng nauna, hindi ito nagdudulot ng impeksyon. Kung kaya, hindi rin nagkakaroon  ng lagnat, pananakit ng tenga, o pus build-up bilang mga sintomas. 

Bukod sa dalawang nabanggit, mayroon ding tinatawag na swimmer’s ear o otitis externa. Ang nasabing impeksyon ay nagaganap sa outer ear canal, mula sa eardrum hanggang sa labas ng ulo. Madalas itong dinadala ng tubig na nananatili sa tenga, na lumilikha ng mamasa-masang kapaligiran dahilan para lumaki ang mga bacteria. 

Para Saan Ang Pampatak Sa Tenga?

Ilan sa mga impeksyon sa tenga ay kusa namang gumagaling matapos ang ilang araw. Kadalasan, ang kailangan lang nito ay pagalingin ang pananakit at bigyan ng oras upang gumaling ito. Gayunpaman, ilan sa mga paraan ng paggamot ay maaaring ikonsidera at isagawa:

  • Maglagay ng warm cloth o warm water bottle sa apektadong tenga. 
  • Gumamit ng over-the-counter pain relief drops para sa tenga. Maaari ka ring magtanong ng niresetang pampatak sa tenga mula sa iyong doktor upang maibsan ang pananakit. 
  • Pag-inom ng over-the-counter drugs tulad ng ibuprofen o acetaminophen para sa pananakit o lagnat. Hindi inirerekomendang ibigay ang aspirin sa mga bata na nakararanas ng naturang mga kondisyon sa tenga. 

Mainam na gamitin ang mga pampatak sa tenga para palabutin at tanggalin ang ear wax, maging ang paggamot sa pamamaga, eczema, at mga impeksyon sa tenga. Maaring makatulong ang agarang paggamot upang maiwasan ang mga komplikasyon at iba pang mas malubhang mga impeksyon. 

Paano Ginagamit Ang Pampatak Sa Tenga?

Bilang nabanggit ang mga pampatak sa tenga na gamot para sa mga impeksyon, nararapat na dapat ang paggamit nito. Maaari mong gamitin bilang gabay ang mga sumusunod:

  • Painitin ang pampatak sa tenga sa pamamagitan ng paghawak sa lalagyan sa iyong kamay sa loob ng ilang minuto. Ito ay marahil maaari kang mahilo kapag ito ay malamig. Hindi mo rin dapat painitin ito sa pamamagitan ng paggamit ng mainit na tubig. Huwag painitin ang mga patak ng tenga sa ilalim ng mainit na tubig dahil ito naman ay maaaring makasakit sa iyong tenga. 
  • Humiga sa iyong tagiliran na nakaharap ang apektadong tenga. 
  • Dahan-dahang hilahin ang iyong earlobe upang maituwid ang ear canal.
  • Maglagay ng tamang bilang ng mga patak sa iyong tenga. Dahan-dahang imasahe ang harap nito.
  • Manatiling nakatagilid sa loob ng 5 minuto.
  • Kung parehong tenga ay apektado at kailangan gamutin, bumaliktad at ulitin pagkatapos ng 5 minuto. 

Key Takeaways

Isa ang paggamit ng pampatak sa tenga sa mga paraan upang magamot ang mga impeksyon sa tenga. Siguraduhing basahin ang label nito bago gamitin. Mainam din kung maikukunsulta mo ang paggamit nito sa doktor upang malaman kung ito nga ba ang angkop na paggamot para sa iyong kondisyon. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Ear Conditions dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Ear Infection, https://www.cdc.gov/antibiotic-use/ear-infection.html, Accessed August 9, 2022

Ear infection (middle ear), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/ear-infections/symptoms-causes/syc-20351616, Accessed August 9, 2022

Ear Infection (Otitis Media), https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/8613-ear-infection-otitis-media, Accessed August 9, 2022

Ear infection – acute, https://medlineplus.gov/ency/article/000638.htm, Accessed August 9, 2022

Swimmer’s ear, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/swimmers-ear/symptoms-causes/syc-20351682, Accessed August 9, 2022

Ear drops, https://www.healthnavigator.org.nz/medicines/e/ear-drops/, Accessed August 9, 2022

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Paglilinis Ng Tenga Ni Baby: Heto Ang Dapat Tandaan

Sintomas ng impeksyon sa tenga, anu-ano nga ba?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement