brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad

Share

Ano ang Polyphagia Pag Mayroong Diabetes? Alamin sa Artikulo

ano ang polyphagia

Ano ang Polyphagia Pag Mayroong Diabetes? Alamin sa Artikulo

Ang tatlong P’s sa diabetes ay polyuria (pagdami ng ihi) polydipsia (palaging uhaw), at polyphagia (dalas na gutom o appetite). Dahil maraming mga pamilyar na sa unang dalawa, ang artikulong ito ay magpopokus sa palagiang pagkagutom. Narito ang dapat mong malaman tungkol sa kung ano ang polyphagia sa diabetes.

1. Hindi ito ordinaryong pagkagutom

Ang tsansa ay nakaranas ka na ng pagkagutom ng ilang beses noon. Sa maraming mga kaso, nawawala ito kung kakain ng kaunti na may isang basong tubig.

Ngunit, ang polyphagia sa diabetes ay hindi ordinaryong uri ng gutom. Halimbawa, ito ay sobra. At habang ang pagkain ay temporaryong magpapawala nito, kalaunan ay babalik din. Sa madaling salita, ang pagkain ng mas marami o mas regular na kumakain ay hindi nakakapagsolusyon nito.

2. Kabilang sa polyphagia ang cravings

Bagaman ang polyphagia sa diabetes ay karaniwang inilalarawan na “palaging gutom,” pakiusap na tandaan na maaari ding kabilang dito ang cravings sa tiyak na pagkain. Parehong maaaring humantong sa labis na pagkain.

3. Starvation amidst plenty

Bakit nangyayari ang polyphagia sa diabetes?

Sa diabetes, maaaring mayroon kang kakulangan sa insulin o insulin resistance. Ang resulta ay ang sugar, na dapat na naco-convert sa energy, ay hindi makapasok sa cells. Naniniwala ang utak na kailangan pa ng pagkain, na nagiging sanhi ng polyphagia.

Ito rin ang rason bakit ilan sa mga tao ay tinatawag ang diabetes na “starvation amidst plenty.” Maaaring marami kang sugar, ngunit hindi mo magamit ito.

4. Maaaring magpalala ng diabetes ang polyphagia

Ang problema sa pagbibigay ng solusyon sa palaging gutom ay nakapagpapalala ito ng diabetes sa maraming paraan.

Una, ang labis na pagkain ay nagpapalala ng hyperglycemia. Mas marami ang kinakain, mas maraming hindi nagagamit na sugar ang mayroon sa dugo ng diabetics. Maliban kung gagawa ka ng paraan sa iyong kakulangan sa insulin o resistance, magpapatuloy lamang ang problema.

Pangalawa, ang polyphagia ay maaaring magresulta sa pagbabago ng timbang na maaaring makaapekto sa paraan ng pagma-manage ng diabetes. Mula rito, maaari itong humantong sa pagdagdag ng timbang na maaaring magpataas ng banta ng ibang kondisyon, tulad ng hypertension.

Paano I-manage ang Polyphagia sa Diabetes

Sa puntong ito, ang pinakamagandang paraan upang i-manage ang polyphagia sa diabetes ay i-manage ang lebel ng blood sugar.

Ito, syempre ay depende sa uri ng diabetes na mayroon ka. Kung mayroon kang Type 1 Diabetes, maaaring kailanganin mo ng masinsinang pag-monitor ng blood sugar ilang beses kada araw. Mahalaga ang insulin therapy.

Kung mayroong Type 2 Diabetes, maaari o hindi mo maaaring kailanganin ng gamot o insulin.

Kung ikaw man ay may Type 1 o 2, magrerekomenda ang iyong doktor ng mga sumusunod:

  • Meal plan na akma sa iyong kondisyon
  • Tamang ehersisyo
  • Stress management
  • Sapat at magandang kalidad ng tulog
  • Monitoring ng blood sugar
  • Masinsinang pag-monitor ng komplikasyon ng hyperglycemia o hypoglycemia

Depende sa kung paano magiging mabisa para sa iyo, maaaring i-adjust ng doktor ang mga ito, kaya’t makipag-ugnayan sa kanila.

Paano I-manage ang Gutom

Gaya ng nabanggit kanina, ang pagkain ng mas marami ay hindi nakaka-satisfy ng polyphagia. Kaya’t kailangan mong isagawa ang mga sumusunod na hakbang na ito upang i-manage ang labis na gutom na nararamdaman:

  • Uminom ng maraming tubig
  • Para sa agahan, magpokus sa mga pagkain na mataas sa protina
  • Kumain ng mga pagkain na mayaman sa fiber, ngunit mababa sa carbohydrates
  • I-satisfy ang sarili sa pamamagitan ng flavorful na pagkain; ikonsidera ang paggamit ng herbs at spices sa halip na asin at asukal.
  • Iwasan ang pagkain kung distracted (hal, panonood ng TV)
  • Kung mayroong cravings, idirekta ang atensyon sa isa pang gawain, tulad ng paglalakad, o akmang ehersisyo.
  • Maaari ding makatulong ang maliit, na regulated na lasa ng pagkain na kinaka-crave.
  • Para sa snacks, siguraduhin na pumili ng masustansya.
  • I-manage ang lebel ng stress, upang mabawasan ang banta ng emotional eating.

Kung mayroong inaalala tungkol sa polyphagia sa diabetes, huwag mag-alinlangang talakayin ito kasama ng iyong doktor.

Mahalagang Tandaan

Ang polyphagia sa diabetes ay labis na gutom na hindi nasosolusyonan ng pagkain. Ang pinakamainam na paraan upang i-manage ito ay sa pagma-manage ng lebel ng blood sugar at pagkagutom sa kabuuan.

Matuto pa tungkol sa Diabetes dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

medical
Regina Victoria Boyles, MD
Narebyung medikal ni
Pediatrics
Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a