Alam mo bang may iba’t ibang uri ng kanser sa suso? Isa rito ay ang triple-negative breast cancer. Nangyayari ito kung walang receptors (na nagsisilbing pinto sa “bahay” ng cancer cells) na karaniwang nakikita sa iba pang mga uri ng kanser. Ano ang triple-negative breast cancer? Bashin upang malaman.
Ano Ang Triple-Negative Breast Cancer?
Upang masagot nang mabuti ang tanong na “Ano ang triple-negative breast cancer?” atin munang alamin kung bakit ito tinatawag na “triple-negative.”
Kung ikaw ay kompirmadong may kanser sa suso, susuriin ng iyong doktor kung anong uri ito. Malalaman ito sa pamamagitan ng pag-alam kung ano ang mayroon ito. Sa kaso ng triple-negative breast cancer, makikita ang kawalang ng protein receptors sa bahagi ng cells.
Ang tatlong protein receptors ay ang iyong Estrogen Receptor, Progesterone Receptor, at Human Epidermal Growth Factor Receptor 2 (HER2). Nagsisilbing “pinto” sa cancer cells ang mga ito.
Ang triple-negative breast cancer ay isang uri ng kanser sa suso kung saan wala makikitang anumang protein receptors na tulad ng mga nabanggit sa itaas. Nangangahulugan ito na maaaring maging mahirap ang gamutan subalit hindi imposible.
Ano Ang Triple-Negative Breast Cancer: Kahalagahan Ng Pagiging Triple-Negative
Sa estrogen, progesterone, and/or HER2-positive breast cancers, mayroon ng mga espesyal na medikasyong target ang mga receptor na ito. Ang mga gamot na ito ay kinabibilangan ng tamoxifen na isang estrogen receptor acting medication at ng trastuzumab na target naman ay ang HER2.
Paano tumutugon ang triple negative breast cancer sa gamot?
Sa kaso ng Triple-Negative Breast Cancer, walang alinman sa mga gamot na ito na ang epektibo. Sa halip, ang kumbensyunal na chemotherapy, radiation therapy, at operasyon ang mga maaaring gawin.
Ang mga medikasyon para sa receptor-positive breast cancers ay may mas mababang antas o may mas kakaunting malubhang side effects kumpara sa kumbensyunal na chemotherapy. Ang mga ito rin ay may mas mataas na antas ng lunas. Maaari din itong magamit bilang prophylaxis (iniinom upang maiwasan) ng mga pasyenteng nasa partikular na panganib ng lumalalang kanser sa suso.
Ano Ang Triple-Negative Breast Cancer: Cellular Classification
Karamihan sa mga kaso ng triple-negative cancers ay may basal-like genetic pattern. Ang klasipikasyong ito ay tumutukoy sa uri ng cells na bumubuo sa kanser. At sa kasong ito, ang cells ay tulad ng cells na nakahanay sa breast ducts.
Kaya naman ang triple negative-breast cancers ay karaniwang tinatawag na basal tumors, basal breast cancers, o basal-like cancer.
Bagama’t hindi lahat ng triple negative breast cancers ay basal-like, ang klasipikasyong ito ay umaabot sa 70-90% ng mga kaso.
Mga Panganib Kumpara Sa Ibang Kanser Sa Suso
Ano ang triple negative breast cancer sa usapin ng mga potensyal na komplikasyon?
Ang triple-negative breast cancer ay mahirap gamutin at may mas mababang antas ng lunas kumpara sa receptor-positive breast cancers.
Bagama’t ang receptor-positive breast cancers ay tila mas madaling gamutin, ang tyansa ng paggaling ng kanser sa suso ay depende sa kung gaano kaaga natuklasan ang sakit. Kung mas maagang natuklasan ang hindi pa gaanong debelop na kanser, mas maagang maibibigay ang mga medikal na interbensyon.
Ang triple-negative breast cancer ay maaaring lumaki nang mas mabilis at mas mapanganib kumpara sa ibang uri ng kanser sa suso. Ngunit, mas madaling matutuklasan ang kondisyong ito sa pamamagitan ng lagi at epektibong pagsusuri sa pasyenteng nasa panganib.
Mga Risk Factor
Upang mas madaling maunawaan kung ano ang triple negative breast cancer, makatutulong ang pag-alam kung sino ang maaaring magkaroon nito.
Maraming salik na mapanganib sa pagdebelop ng triple negative breast cancer. Karaniwan, ang mga pasyenteng bago pa lamang makararanas ng menopause ang maaaring magkaroon nito.
Ngunit ang dahil ng pag-uugnay nito sa menopause ay hindi pa natitiyak.
Tulad ng ibang uri ng kanser, may genetic component sa pagdebelop nito. Ang BRCA1 at BRCA2 genes, na namamana mula sa parehong mga magulang, ay nakatutulong upang maiwasan ang pagdebelop ng kanser.
Ang alterations o mutations sa gene pagkasilang pa lamang ay sinasabing nakapagpapataas ng tyansang madebelop ang kanser sa suso, obaryo, at iba pang uri, Upang maging tiyak, ang BRCA 1 ay sinasabing nakapagpapataas ng tyansang madelop ang triple-negative breast cancer.
Gamot Sa Triple-Negative Breast Cancer
Kung ihahambing sa ibang uri ng kanser, ang mga modalidad ng pagpapagamot ng triple-negative breast cancer ay kakaunti.
Kung ang kanser ay makikita sa isang tiyak na lugar lamang, maaaring isagawa ang operasyon, Sa mga malalaking tumor, maaaring siimulan sa chemotherapy upang ito ay lumiit. Maaari ding magamit ang chemotherapy upang maiwasan ang pagbalik ng kanser matapos ang matagumpay na operasyon.
Ano Ang Survival Rate Para Sa Triple-Negative Breast Cancer?
Ang posibilidad na ang isang taong may kanser ay gagaling sa loob ng limang taon o limang taong survival rate ay madalas na ginagamit upang alamin ang prediksyon ng kanser. Ginagamit din ito upang makapili ng paraan ng paggamot.
Ang mga kababaihang may triple-negative breast cancer na matatagpuan lamang sa suso ay sinasabing may 91% na limang taong survival rate. Habang ang mga may regional lymph node involvement o distant metastases (kanser na kumalat na sa ibang organo) ay sinasabing may 5 limang taong survival rate na 65% at 12% , ayon sa pagkakabanggit.
Key Takeaways
Ano ang triple negative breast cancer? Ito ay isang nakababahalang uri ng kanser sa suso. At ito ay dahil kakaunti ang mga mapapagpiliang paraang ng gamutan. Mas mapanganib ito kumpara sa ibang uri ng kanser sa suso dahil mas mabilis itong lumalaki at kumakalat. Subalit ang madalas na screening at regular na konsultasyon sa doktor ay makatutulong upang matuklasan ang kanser nang mas maaga. Kung mas maagang matutuklasan, mas maagang magagamot at mas maganda ang magiging resulta. Matuto pa tungkol sa Breast Cancer dito.