backup og meta

Ano ang mammogram, at bakit ito mahalaga?

Ano ang mammogram? Ito ay isang x-ray image ng breast tissues. Ginagamit ng mga doktor ang imaging test na ito upang matuklasan ang mga maagang senyales ng kanser sa suso. Kung pinayuhan ka ng iyong doktor na sumailalim sa test na ito, narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa mammogram, maging ang presyo nito.

Ano ang mammogram, at bakit ito mahalaga?

Ano ang Mammogram? Masakit ba ito?

Matapos malaman na kailangang sumailalim sa mammogram, maraming kababaihan ang nababahala sa epekto nitong sakit. Ikaw rin ay maaaring nakarinig na ng mga nakatatakot na kuwento kung paano sobrang  “pinipiga” ng makinang ginagamit sa test na ito ang suso na dahilan ng pananakit.

Subalit tiniyak ng mga eksperto na bagama’t ang proseso ng mammogram ay nagbibigay ng hindi komportableng pakiramdam, sa kabuoan ay hindi ito masakit. 

Bakit Sinasabi ng Ilang mga Kababaihan na Masakit ang Mammogram?

Kung ang epekto lamang ng mammogram ay ang pagkakaroon ng hindi komportableng pakiramdam, bakit sinasabi ng ilang mga kababaihan na masakit ito?

Batay sa mga ulat, ang mararamdaman ng isang babae ay nakadepende sa maraming kadahilanan, tulad ng:

  • Kasanayan ng technologist
  • Laki ng suso
  • Pangangailangan ng suso na mapiga
  • Ang kakayahan ng babae na magtiis ng sakit
  • Regla (ang suso ay maaaring maging sensitibo habang o bago ang buwanang dalawa)

Ano ang Mammogram? Paano “pinipiga” ng Mammogram Machine ang Suso?

Ang mammogram procedure ay iba sa chest x-ray na ating mas nalalaman.

May dalawang pangunahing bahagi ang mammogram machine. Una ay ang flat surface kung saan ilalagay ang isang suso. At ikalawa ay ang compression paddle, isa ring flat surface na pumipiga sa suso.

Habang pinipiga, ang makina ay naglalabas ng x-ray beam na gumagawa ng mga larawan ng breast tissue. Matapos makuha ang “top view” na larawan, binabago ng makina ang anggulo, upang makita ang “side view” na larawan ng suso.

Mahalaga ang pagpiga dahil sa dalawang dahilan: ikinakalat nito ang breast tissues, at naiiwasan nito ang tyansa ng paggalaw na maaaring makapagpalabo sa larawan.

Sa kabuoan, magkakaroon ng apat na mga larawan: isang top view at isang side view ng bawat suso.

Ano ang Mammogram? Ano ang Itsura ng Resulta nito?

Matapos ang mammogram procedure, susuriin ng technologist at doktor ang mga larawan.

Ang suso ay kadalasang binubuo ng hindi gaanong makapal na fatty tissues. Ang fatty tissues na ito ay madalas na lumalabas sa resulta na kulay dark o grey.

Samantala, ang mas makapal na tissues –  tulad ng calcites at kanser – ay lumalabas na maliwanag, buo, at kulay puti.

Presyo ng Mammogram: Mahal ba ito?

Ngayon, siguro ay iniisip mo ang presyo ng mammogram. Ang presyo nito ay umaabot sa 1, 500 PHP hanggang 5, 000 PHP. Syempre, maraming ospital ang nagbibigay ng diskwento sa mga nakatatandang kababaihan.

Ano ang Ilang mga Payo kung Sasailalim sa Mammogram?

Sasailalim ka ba sa proseso ng mammogram? Narito ang ilang mga payo na maaaring makatulong:

  • Hangga’t maaari, pumili ng ospital na laging may mammogram service. Ang pagsasagawa ng mammogram procedure sa isang ospital ay makatutulong upang mas mabilis na makuha ang mga resulta.
  • Huwag gumamit ng antiperspirant o deodorant sa araw ng mammogram procedure. Maaari itong makita sa x-ray image na maliwanag at puting mga tuldok.
  • Dahil kailangan mong maghubad mula baywang hanggang taas na bahagi ng katawan,  isaalang-alang ang pagsusuot ng t-shirt o blouse at pantalon. Magbibigay ang mga doktor ng damit bilang pantakip.
  • Huwag mag-schedule ng mammogram procedure isang linggo bago o habang ikaw ay may dalaw. Tandaang ang suso ay kadalasang sensitibo sa mga panahong iyon.

Ano ang Kailangang Gawin Matapos Matanggap ang mga Resulta?

Kung normal ang mga resulta, ipagpatuloy ang regular na pagsasagawa ng mammogram bilang rekomendasyon ng iyong doktor. Ang resulta nito ay mahalagang ikompara sa nakaraang larawan o resulta. Sa ganitong paraan, makikita ng mga doktor ang mga mahahalagang pagbabago.

Ngayon, kung matuklasan ng doktor ang mas makapal na tissues, hindi ito nangangahulugang ikaw ay may kanser. Maaari nilang irekomenda ang pagsasagawa ng isa pang mammogram procedure kasama ng iba pang tests upang makumpira ang pagsusuri.

Pangunahing Konklusyon 

Ang mammogram procedure ay nagbibigay ng x-ray images ng suso upang matuklasan ang mga maagang senyales ng kanser. Sa imaging test na ito, ginagawang “mas patag” ng radiologist ang suso sa pamamagitan ng mammography machine na binubuo ng isang flat surface at compression paddle. Sa kabuoan, ang mammogram ay hindi nagdudulot ng sakit, ngunit maaaring magbigay ng hindi komportableng pakiramdam sa karamihan ng mga kababaihan.

Depende sa ospital, ang presyo ng mammogram ay umaabot sa1,500 PHP hanggang 5,000 PHP.

Matuto pa tungkol sa Kanser sa Suso, dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Video: Mammogram for breast cancer — What to expect, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/mammogram/multimedia/mammogram/vid-20084742, Accessed September 28, 2021

A Radiologist Explains What to Expect at Your First Mammogram, https://healthblog.uofmhealth.org/what-to-expect-at-first-mammogram-perfcon, Accessed September 28, 2021What to

Expect at Your First Mammogram, https://www.cedars-sinai.org/blog/what-to-expect-at-your-first-mammogram.html#:~:text=During%20the%20mammogram%2C%20you%20and,be%20taken%20from%20different%20positions, Accessed September 28, 2021

Tips for Getting a Mammogram, https://www.cancer.org/cancer/breast-cancer/screening-tests-and-early-detection/mammograms/mammograms-what-to-know-before-you-go.html, Accessed September 28, 2021

What Is a Mammogram?, https://www.cdc.gov/cancer/breast/basic_info/mammograms.htm, Accessed September 28, 2021

Kasalukuyang Version

02/24/2026

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Lumpectomy? Heto ang Dapat Mong Malaman

Alamin: Paano Ginagawa ang Breast Ultrasound


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas