Gaano katagal bago lumaki ang tumor sa utak? Ito ay karaniwang tinatanong ng tao tungkol sa tumor sa utak. Ang sagot ay depende sa mga kadahilanan, kabilang ang sanhi, kalusugan ng tao, at kung anong uri ng tumor ito.
Gaano katagal bago lumaki ang tumor sa utak? Ito ay karaniwang tinatanong ng tao tungkol sa tumor sa utak. Ang sagot ay depende sa mga kadahilanan, kabilang ang sanhi, kalusugan ng tao, at kung anong uri ng tumor ito.

Ginagamit ng doktor ang terminong “grade” upang ilarawan ang laki ng tumor sa utak. Mayroong 4 na iba’t ibang mga grade, at kung mas mataas ang grade, mas malala ang tumor sa utak.
Narito ang ilang impormasyon tungkol sa mga grade:
Posible rin sa grade ng tumor sa utak na magbago sa paglipas ng panahon. Nangangahulugan ito na ang Grade I tumor ay maaari maging Grade II o mas mataas pa.
Kung ang biopsy sample ay isinagawa upang malaman ang grade ng tumor, maaaring hindi nito maipakita ang kabuuang tumor. Nangangahulugan ito na ang sinuring sample ay Grade I o II na tumor, ngunit ang iba ay maaari ding Grade III or IV. Kung kaya kinakailangan ang regular na konsultasyon sa doktor o espesyalista.
Ang tumor sa utak ay nakakasama, ito ay cancerous, kung kaya mayroong posibilidad na kumalat ito sa ibang bahagi ng utak.
Mayroong dalawang paraan kung bakit ito nangyayari:
Maaaring idaan sa operasyon ang paggagamot sa ganitong uri ng tumor sa utak upang mabawasan ang sukat o alisin ito nang tuluyan. Maaari ding imungkahi ng doktor ang chemotherapy o radiotherapy upang patayin ang anumang patay na tissue, upang lumiit ang tumor at mapabagal ang paglaki nito.
Sa mga ganitong kaso, ang paggagamot ay mas mahirap. Mahihirapan ang doktor na makita kung nasaan ang cancer, at mas magiging komplikado ang paggagamot.
Posible rin na hindi orihinal na nanggaling ang tumor sa utak. Ang taong may cancer sa baga o cancer sa dede, ay maaaring kumalat sa utak. Ito ay kilala bilang metastatic brain tumor, at ang paggagamot dito ay kadalasang kinabibilangan ng panggagamot din sa pinaka pinagmulan ng cancer.
Ang paggagamot ng metastatic brain tumor ay maaaring mahirap. Ito ay totoo lalo kung ang sakit ng pasyente ay nasa mataas na na yugto.
Mahirap na sakit ang tumor sa utak at mangailangan ng advance na pamamaraan ng paggagamot. Gayunpaman, walang dapat ipag-alala dahil ang posibilidad na magkaroon ng cancer sa utak ay mababa sa 1% lamang. Kung kaya kung panatilihin ang katawan na malusog, aktibo, at mayroong regular na check ups, walang dapat ipag-alala. Para sa ibang alalahanin, mainam na komunsulta sa iyong doktor.
Matuto pa tungkol sa Brain and Spine Disorders dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
All About Adult Brain Tumors | OncoLink, https://www.oncolink.org/cancers/brain-tumors/all-about-adult-brain-tumors#:~:text=Radiation%2Dinduced%20brain%20tumors%20can,factor%20for%20developing%20brain%20tumors., Accessed January 21, 2020
Growth dynamics of untreated glioblastomas in vivo | Neuro-Oncology | Oxford Academic, https://academic.oup.com/neuro-oncology/article/17/10/1402/1045653, Accessed January 21, 2020
Brain Tumor: Grades and Prognostic Factors | Cancer.Net, https://www.cancer.net/cancer-types/brain-tumor/grades-and-prognostic-factors, Accessed January 21, 2020
The Life of a Brain Tumor: How Does Glioblastoma Grow? – Penn Medicine, https://www.pennmedicine.org/updates/blogs/neuroscience-blog/2018/november/the-life-of-a-brain-tumor-how-does-glioblastoma-grow, Accessed January 21, 2020
If your brain tumour can’t be cured | Cancer Research UK, https://www.cancerresearchuk.org/about-cancer/brain-tumours/living-with/cant-be-cured, Accessed January 21, 2020
7 Facts You Need to Know About Brain Tumors – NFCR, https://www.nfcr.org/blog/blog7-facts-need-know-brain-tumors/, Accessed January 21, 2020
Kasalukuyang Version
02/26/2026
Isinulat ni Jerra Mae Dacara
Narebyung medikal ni Nicole Aliling, MD
In-update ni: Jan Alwyn Batara