brand logo
Discover
Health Tools
Communities
Hospital Locator

advertisement

Share

Gamot sa Sakit ng Tiyan: Mga Lunas at Tips

Pagsusuri ng Gamot sa Sakit ng Tiyan

Karaniwang nararanasan ang pananakit ng tiyan, pero ano nga ba ang sanhi nito, at kailan ka dapat magpatingin sa doktor. Marami sa atin ang madalas kumonsulta sa mga kaibigan o kamag-anak tungkol sa mga gamot, pero mas mainam na malaman natin ang tamang pagsusuri ng sakit ng tiyan.

Gamot sa Sakit ng Tiyan: Mga Lunas at Tips

Ang sakit ng tiyan o “abdominal pain” ay parang isang enigma—minsan simple lang, minsan naman ay hudyat ng mas malalim na problema. Hindi basta-basta dapat uminom ng kahit anong gamot dahil iba-iba ang sanhi ng sakit na ito. Puwedeng hyperacidity, heartburn, gastritis, ulcer, o baka naman problem pa sa apendiks!

Kaya importante ang tamang pagsusuri bago uminom ng kahit anong gamot. Tandaan na ang mali o hindi angkop na gamot ay maaaring magpalala pa ng iyong kondisyon imbes na gamutin ito.

Ang Kahalagahan ng Pagsusuri sa Sakit ng Tiyan

‘Di ba nakakabahala kapag biglang sumasakit ang tiyan mo? Lalo na kung ‘di mo alam kung bakit? Maraming Pilipinong nagkakasakit ng tiyan ay nagse-self medicate muna—nakakabahala ito!

May mga kaso kung saan ang sakit ay dahil lang sa indigestion o kabag. Pero minsan, ito’y maaaring senyales ng mas seryosong kondisyon tulad ng ulcer o gastritis.

Ibang usapan na kapag may kasamang sintomas tulad ng:

  • Matinding pagsusuka
  • Pagtatae o konstipasyon
  • Mataas na lagnat
  • Dugo sa dumi

Ang mga sintomas na ito ay maaaring hudyat ng mas seryosong problema na dapat agad na makonsulta sa doktor.

Paano Nagdudulot ng Pananakit ng Tiyan ang Hyperacidity 

Isa sa mga karaniwang sanhi ng pananakit ng tiyan ay hyperacidity. Nangyayari ito kapag masyadong maraming asido ang ginagawa ng tiyan. Maaari itong magdulot ng ng pananakit ng tiyan. Maaari itong may kasamang pangangasim ng tiyan at kabag.

Kaugnay naman ng hyperacidity ang acid reflux. Nangyayari ito kapag umaakyat pabalik sa esophagus ang asido mula sa tiyan. Maaari itong magdulot ng heartburn, o ang pakiramdam na may umaakyat na asido patungo sa dibdib.

Paano Nasusuri ang Sakit ng Tiyan

Kung nakakaranas ka ng pananakit ng tiyan, maaaring kailangan mong magpatingin sa doktor para sa tamang pagsusuri at malaman ang posibleng sanhi nito.

Bilang bahagi ng pagsusuri, maaaring tanungin ka ng doktor tungkol sa iyong mga sintomas, tulad ng kung kailan nagsimula ang pananakit, gaano ito kadalas, ano ang maaaring nagpapalala nito, at iba pang kaugnay na impormasyon.

Kasunod nito, maaaring mag-request ang doktor ng mga laboratoryo gaya ng:

  • CBC o Complete Blood Count para malaman kung may impeksyon
  • Stool analysis para sa parasites o dugo
  • Abdominal ultrasound para tingnan ang mga internal organs
  • Endoscopy o gastroscopy para direktang makita ang loob ng tiyan

Mga Uri ng Gamot para sa Sakit ng Tiyan

Iba’t ibang sakit, iba’t ibang lunas—ganyan ang usapan pagdating sa tiyan. Mahalagang malaman mo kung anong klaseng gamot ang kailangan mo para sa iyong nararamdaman.

Pangkalahatang Klasipikasyon ng Gamot

Narito ang mga karaniwang gamot na ginagamit para sa iba’t-ibang uri ng sakit ng tiyan:

  1. Antacids – Ito ‘yung mga gamot na nagbabawas ng acid sa tiyan. Mabilis ang epekto pero panandalian lang.
  2. Proton Pump Inhibitors (PPIs) – Mas matagal at malalim ang epekto nito kumpara sa antacids. Ginagamit ito para sa ulcer at chronic gastritis.
  3. Antibiotics – Kung may bacterial infection na sanhi ng sakit, maaaring magreseta ng antibiotic ang doktor.
  4. Anti-spasmodics – Ito ay para sa mga kramang dulot ng IBS (Irritable Bowel Syndrome) o muscle spasm.
  5. Pain Relievers – Para sa matinding sakit, minsan kailangan ng mga pain reliever. Pero mag-ingat—hindi ito dapat abusuhin dahil may side effects.

Tandaan: kahit OTC (over-the-counter) ang mga gamot, hindi ibig sabihin ay puwede itong inumin nang walang pag-iingat. Lalo na kapag may iba ka pang iniinom na gamot, maaaring magkaroon ng tinatawag na “drug interaction.”

Fast Relief for Hyperacidity

Kung hyperacidity ang nararanasan mo, maaaring angkop sa iyo ang Aluminum Hydroxide + Magnesium Hydroxide + Simeticone (Kremil-S) para ma-neutralize ang stomach acids. Kremil-S Tablet works within five minutes.

Kung heartburn at acid reflux naman ang nararanasan mo, maaaring mas angkop ang Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance). Ito ay magandang opsyon kung mas gusto mo ang chewable tablet at madalas kang nakakaranas ng heartburn at acid reflux. This works within three minutes at nagbibigay ng ginhawa nang hanggang 12 oras.

Maaari ring mas angkop sa iyo ang Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Kremil-S Cool Relief) kung mas gusto mo ang mabilis at nakapapawing ginhawa sa liquid format. This works within 1 minute at masarap ang lasa.

Natural na Pamamaraan sa Paggamot sa Sakit ng Tiyan

Maraming natural na paraan para pagaanin ang sakit ng tiyan.Narito ang ilang hakbang na puwedeng subukan:

  • Magdagdag ng fiber – Mga prutas, gulay, at whole grains ang magandang source nito. Nakakatulong ito sa regular na pagdumi at inaayos ang digestive system.
  • Umiwas sa trigger foods – Para sa mga may acid reflux, limitahan ang mga matataba, matamis, at maanghang na pagkain. Pati na rin ang kape, alak, at mga maaasidong prutas.
  • Kumain nang maliit pero madalas – Imbes na tatlong malalaking meal, mas mainam na 5-6 na maliit na pagkain buong araw para ‘di masyadong mapagod ang tiyan mo sa pagtunaw.
  • Uminom ng sapat na tubig – 8-10 baso araw-araw. Uminom ng sapat na tubig para sa constipation at overall digestive health.

Kahit simpleng pag-iwas sa pagkain 2-3 oras bago matulog ay makakatulong para maiwasan ang acid reflux sa gabi.

Herbal na Mga Remedyo sa Sakit ng Tiyan

Maaari ring subukan ang mga halamang gamot para sa sakit ng tiyan. Heto ang ilan sa mga natural remedies na puwede mong subukan:

  • Luya (Ginger) – Magaling ito para sa pagduduwal at kabag.
  • Yerba Buena o Peppermint – Nakakarelax ito ng mga muscles sa digestive tract, kaya peppermint para sa kabag at bloating ay mabisang natural na lunas.
  • Banaba Leaves – Matagal nang ginagamit ang dahon ng banaba sa tradisyonal na panggagamot para sa mga problema sa tiyan. Ayon sa mga tradisyonal na gamit, iniinom ang pinakuluang dahon ng banaba bilang pampaihi at pampadumi.
  • Probiotics – Makikita sa yogurt o kaya ay sa form ng supplements. Nakakatulong itong isaayos ang magandang bakterya sa bituka.

Kahit gaano kalakas ang galit mo sa tiyan mo, relax ka lang rin. Nakakagulat man, pero maraming digestive issues ay may koneksyon sa stress. Kaya ang meditation, deep breathing, at yoga ay nakakatulong din talaga!

Key Takeaways

medical
Regina Victoria Boyles, MD
Medically reviewed by
Pediatrics
Written by Jan Alwyn Batara · Updated 2 weeks ago