Tandaan: First Aid para sa Taong Nakaranas ng Stroke
Lagi tayong naghahanap ng “stroke of luck” kung ang pag-uusapan ay loto, ngunit kung ang pag-uusapan ay ang aktuwal na stroke, walang kahit na anong maganda rito. Ang pag-survive mula sa stroke ay higit sa pagiging maswerte, kailangan mong mapansin ang mga senyales at mabilis na umaksyon. Kahit na sa mga milder na kaso, kinakailangan ng first aid para sa stroke.

Ano ang Mild Stroke?
Sa kahulugan nito, ang stroke ay kung mayroong paghinto sa daloy ng dugo sa utak. Maaaring ito ay dahil sa harang, na nagreresulta sa ischemia o kawalan ng oxygen, o dahil sa pagdurugo sa utak na kilala bilang hemorrhage. Dahil ang utak ay isang maselan na organ, kahit na ilang minuto lamang na walang oxygen o nutrisyon maaari itong maging sanhi ng pinsala sa cells. Upang palalain ito, ang brain cells ay hindi nagre-regenerate nang kasingbilis ng balat o muscle, na ibig sabihin na ilan sa pinsala ay hindi na maaayos pa.
Ang strokes ay maaaring i-grade base sa pagiging malala; kung ito man ay mild, moderate, o severe. Sa mild stroke, makikita ang ebidensya ng pinsala sa utak, bagaman ang sintomas ay mas madaling maresolba kumpara sa moderate o severe strokes. Basahin upang matuto tungkol sa first aid sa stroke.
First Aid sa Mild Stroke
Alalahin na mag-B.E.F.A.S.T.
Dahil ang utak ay masyadong sensitibo sa daloy ng dugo at pressure at maaaring maging permanente ang pinsala, mahalaga na umaksyon kaagad. Ang acronym na B.E.F.A.S.T. ay nagbibigay ng maiksing checklist ng mga senyales at sintomas upang matignan kung nagsususpetya na mangyari ang stroke. Bawat titik ng acronym ay may kahulugan.
Balance: Tignan kung ang pasyente ay nahihirapan sa kanilang balanse.
Eye Changes: Ito ay tumutukoy sa nararanasan ng mga pasyente na pagbabago sa paningin. Tignan kung ang pasyente ay may dobleng paningin o nawalan ng paningin.
Face: Tumingin sa facial asymmetry o drooping sa isang side. Ito ay indikasyon na ang isa sa mga nerves na nagkokontrol sa facial muscles ay naapektuhan. Maaring makatulong ito upang matukoy kung anong side ng stroke ang nangyari.
Arms: Ipataas ang parehong mga braso sa harap ng kanilang katawan. Kung ang isang braso ay mas mahina, maaaring indikasyon ito na ang stroke ay nangyari sa kabilang side ng utak.
Speech: Tanungin ang tao na tumugon sa iyo gamit ang pagsasalita. Kung ang kanilang pagsasalita ay hirap o nahihirapan na magsalita nang normal, maaari itong senyales ng stroke.
Oras: Alalahanin kung gaano katagal na nararanasan ng tao ang mga sintomas na ito. Mahalaga rin ang oras kung dadalhin ang pasyente sa emergency room. Mas madaling madala ang pasyente sa ospital, mas mataas na tsansa na maiwasan ang malalang disability o pagkamatay.
Ang first aid sa stroke na mild ay kinakailangan na seryosohin, tulad kung ito man ay severe stroke. Kahit na nawala na ang mga sintomas o “hindi masyadong malala,” mainam pa rin na magtungo sa emergency room matapos ang mild stroke.
Ano ang Hindi mo Dapat Gawin

Matapos isagawa ang mild stroke first aid, mag-iisip ka siguro ng mga gamot na maaaring inumin. Ilan sa mga tao ay naniniwala na kailangan nilang uminom ng low-dose ng aspirin habang o matapos ang stroke, ngunit ito ay maling paniniwala.
Bagaman ang aspirin ay nakatutulong magpanipis ng dugo, hindi ito akma para sa paggamot ng strokes. Sa katunayan, hindi dapat palaging sinisisi ang clots. Halimbawa, ang hemorrhagic stroke na sanhi ng injury ay magiging malala sa aspirin dahil ito ay maaaring magsulong ng pagdurugo. Kaya’t mahalaga na tumawag ng doktor o emergency services habang nangyayari ang stroke upang malaman kung anong treatment ang kailangan isagawa.
Mahalagang Tandaan
Bilang buod, mahalaga ang first aid sa mild stroke. Hindi dapat balewalain ang mild na stroke. Kung ikaw o may kilala na nakaranas ng sintomas o senyales ng mild stroke, humingi ng medikal na atensyon sa lalong madaling panahon.
Matuto pa tungkol sa Strokes dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.