Ang mga katanungan sex ay maaaring nakakahiya para sa iba na itanong, dahil ang usapan tungkol sa sex ay “taboo” sa Pilipinas. Gayunpaman handang sumagot ang sex experts sa mga katanungan sa sex, lalo na kung humihingi ng payo ang isang indibidwal sa kung paano mapapabuti ang kanyang kalusugan— at relasyon sa partner.
Ang pagkakaroon ng mga katanungan sa sex ay normal lamang, dahil isa itong human activity— at para mas makakuha ka ng mga konkretong sagot maaari kang magpakonsulta sa isang sex expert. Tandaan mo rin na hindi ka dapat mahiya sa pagpapakonsulta sa isang sex expert upang mapag-usapan ang iyong mga alalahanin sa kalusugan at sex life. Ang pagpapakonsulta sa kanila ay isang mabuting hakbang para mas maunawaan ang sarili at mapabuti ang kalusugan— at relasyon sa ibang tao.
