Ika-7 Linggo Ng Pagbubuntis: Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman
Pagdebelop Ng Sanggol Sa Ika-7 Linggo Ng Pagbubuntis
Paano Lumalaki Ang Aking Anak?
Sa ika-7 linggo ng pagbubuntis, ang iyong anak ay lumalakit nang mabilis at ngayon ay kasing laki na ng blueberry, tinatayang nasa sukat na 1.27 cm ang haba.

Nagsisimula nang umangkop ang iyong anak sa buhay sa loob ng matris. Sa ika-7 linggo ng pagbubuntis, ang umbilical cord o pusod ay nagsisimula nang mabuo. Ito ay nakadugtong sa iyo at sa iyong anak. Ang pusod ay ang nagdadala ng oxygen at mga nutrisyon mula sa iyong dugo papunta sa sanggol. Sa pamamagitan din ito ay natatanggal ang mga dumi mula sa iyong anak. Dagdag pa, patuloy na nabubuo ang baga, bato, at bituka ng sanggol. Sa yugto ring ito, nagsisimula nang magkaroon ng hugis ang mukha ng batang nasa iyong sinapupunan. Nabubuo na ang kanyang mga mata, ilong, bibig, at tenga na kahawig ng isa iyo at ng sa iyong karelasyon. Marahil ay nasasabik ka nang malaman kung sino ang magiging kamukha ng iyong anak. Maraming buwan pa ang kinakailangan mong hintayin bago mo siya ganap na makita.
Pagbabago Sa Iyong Katawan At Buhay Sa Ika-7 Linggo Ng Pagbubuntis
Paano Nagbabago Ang Aking Katawan?
Sa ika-7 linggo ng pagbubuntis, marahil ay napapansin mong nagkakaroon ng pagbabago sa iyong suso. Ang hormones na dulot ng pagbubuntis ay kadalasang sanhi upang ang iyong suso ay mamaga at maging sensitibo. Ito ay dulot ng pagtaas ng daloy ng dugo sa bahagi ng suso, gayundin dahil na namumuong taba. Siguro ay napansin mong ang iyong utong ay mas umumbok at ang maitim na bahagi ng iyong suso, na tinatawag na areola, ay naging mas maitim at mas malaki. Patuloy iyong magiging mas maitim at mas maitim sa buong panahon ng iyong pagbubuntis. Ang lahat ng mga pagbabagong ito ay upang maging handa ang iyong suso sa pagpapasuso ng iyong anak.
Ano Ang Dapat Kong Ikabahala?
Nasa unang trimester ka pa rin ng iyong pagbubuntis. Sa ika-7 linggo ng pagbubuntis, marahil ay pakiramdam mong masyado pang maaga para sabihin sa iba ang magandang balitang ito. Huwag kang mag-alala dahil ligtas ang iyong sikreto sa amin. Ang iyong matris ay lumalaki, at ito ay maaaring umumbok o hindi. Kung ikaw ay nagbuntis na noon, mas mataas ang tyansang ang iyong lumalaking matris ay maging dahilan upang maging mas malaki ang iyong tiyan kumpara sa iyong nakaraang pagbubuntis. Normal ito. Ang muscles at ligaments ng iyong tiyan ay nabanat na noon, kaya mas madali at mas mabili na itong lumaki ngayon. Dahil dito, maaga kang mas makararamdam ng pananakit ng likod at balakang. Kung gusto mo pa ring ilihim ang iyong pagbubuntis, maaaring subukan ang pagsusuot ng mga mas maluluwag na damit. Sabihin mo lamang sa iba ang tungkol sa iyong pagbubuntis kung ikaw ay handa na.
Pagkonsulta Sa Doktor
Kailan Dapat Magpakonsulta Sa Iyong Doktor?
Dapat mong ipagbigay-alam sa doktor kung ikaw ay nakararanas ng anumang sintomas ng pagbubuntis na iyong ikinababahala o nagiging malubha. Maaaring mapansin mong may mga tiyak na pagkain o amoy na nagiging dahilan ng iyong mas madalas na pagduduwal o maging pagsusuka. Ito ay ang tinatawag na pag-iwas sa pagkain dulot ng pagbubuntis na napakakaraniwan. Maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng mga paraan upang mabawasan ang hindi komportableng pakiramdam.
Anu-Anong Tests Ang Dapat Kong Alamin?
Marahil ay nakapagpakonsulta ka na sa iyong doktor o kaya naman ay hindi pa. Kung nakapagpakonsulta ka na, ang isasagawa lamang ngayon ng iyong doktor ay ang karaniwang test. Kabilang dito ang pagsubaybay sa iyong timbang at presyon ng dugo. Maaari ding kailanganin ang pagpapasuri ng iyong ihi upang malaman ang lebel ng iyong sugar.
Kalusugan At Pag-iingat
Anu-Ano Ang Mga Dapat Kong Malaman Upang Maging Malusog At Ligtas Habang Nagbubuntis?
Marahil ay marami kang alalahanin tungkol sa kalusugan at pag-iingat sa iyong sarili at sa iyong anak. Narito ang ilang alalahanin:
Sobrang Paggamit Ng Kompyuter
Kung ang iyong trabaho ay nangangailangan ng paggamit ng kompyuter buong araw, marahil ay nababahala ka sa posibleng masamang epekto nito sa iyo at sa iyong anak. Sa mga nakalipas na tao, may mga sitwasyong nagsasabing ang matagal na paggamit ng kompyuter habang nagbubuntis ay nagdudulot ng pagkakunan ng sanggol. Nais naming sabihin na hindi ito totoo. Kinakailangan pa rin ng maraming pag-aaral upang mapatunayan ang teoryang ito. Ang may masamang epekto ay ang matagal na pag-upo dahil nagdudulot ito ng hindi magandang sirkulasyon ng dugo. Inirerekomenda sa mga buntis ang pagtayo at ang paglalakad-lakad kahit sa tuwing makalipas ang isang oras sa pagitan ng computer screen time. Maaari ding subukan ang pag-uunat o ang pag-akyat at pagbaba sa hagdan upang dumaloy ang dugo sa katawan.
Paglanghap Ng Usok Ng Sigarilyo
Upang maging ligtas, iwasan ang mga mauusk na lugar. Kung ikaw ay pupunta sa isang kainan, maupo sa bahaging hindi maaaring manigarilyo. Ang usok ng sigarilyo ay iniuugnay sa mga komplikasyon sa placenta. Ito ay maaaring humantong sa mas mababang timbang ng sanggol o posibleng mababang IQ ng iyong anak. Bagama’t hindi pa napatutunayan ang mga komplikasyong ito, pinakamainam pa ring iwasan ang usok ng sigarilyo hangga’t maaari. Ang paninigarilyo ay masama para sa iyong anak. Maaari ding magkaroon ng masamang epekto sa iyo ang paglanghap sa usok ng sigarilyo.
Magkita tayo sa ikawalong linggo! Nasasabik kaming malaman ang kalagayan mo at ng iyong anak.
Matuto pa tungkol sa Unang Trimester dito.