Maaaring nakagugulat o nakatatakot ang pag-alis ng baga para sa karamihan sa atin. Posible ba ito? Pwede ka bang mabuhay nang may isang baga lang? Bagaman bawat operasyon ay may mga panganib o maaaring banta sa buhay, may ilang operasyon tulad ng pneumonectomy o pag-alis ng baga, ang kailangan.
Ang pneumonectomy ay isang surgical procedure kung saan inaalis ng mga doktor at surgeon ang baga ng pasyente. Karaniwan itong ginagawa bilang bahagi ng lung cancer treatment.
Upang alisin ang napinsalang baga, gagawa ng hiwa ang surgeon sa isang bahagi ng katawan at paghihiwalayin ang ribs sa pamamagitan ng pagputol sa ilang mga kalamnan. Ang pleural space (ang sac na sumusuporta sa baga) ay pinupuno ng hangin, na kalaunan ay papalitan ng fluid.
Karaniwang ginagawa ng mga doktor ang pag-alis ng baga bilang treatment sa partikular na mga pasyenteng may lung cancer. Ang mga taong ito ay walang indikasyon ng pagkalat ng cancer sa labas ng baga. Kailangan ding malakas sila upang makayanan ang procedure.
Isang high-risk procedure ang Pneumonectomy kumpara sa iba pang lung cancer treatment.
Dalawang Uri ng Pneumonectomy
May dalawang magkaibang uri ng pag-alis ng baga: simple pneumonectomy at extrapleural pneumonectomy.
Ito ang pinakakaraniwang uri. Ginagawa ito upang alisin ang isang buong baga, at kilala rin bilang standard pneumonectomy.
Extrapleural Pneumonectomy
Isang surgical procedure ang extrapleural pneumonectomy kung saan tinatanggal ng mga doktor ang apektadong baga, pati ang bahagi ng pericardium, diaphragm, at pleura. Maaaring isagawa ng mga doktor ang ganitong uri ng pag-alis ng baga upang gamutin ang malignant mesothelioma, isang cancer na nakaapekto sa membrane na nasa chest cavity sa paligid ng pleura.
Mga Posibleng Dahilan ng Pagiging Kandidato sa Pag-alis ng Baga
Kapag napinsala ng mga cancer cell ang dalawa o tatlong lobes sa kaliwa o kanang bahagi ng mga baga, maaaring ikonsidera ng mga doktor ang ganitong treatment.
Ang pangunahing intensyon ng pneumonectomy ay tanggalin ang lahat ng tumor mula sa katawan. Hindi ito gagawin ng mga doktor maliban kung napakataas ng tsansang matanggal ang lahat ng cancer cell.
Kailangang may malusog na lung tissue ang tao upang maging kandidato para sa pag-alis ng baga. Kapag may malusog na lung tissue ang isang tao, matutulungan siya nitong makahinga pa rin kahit isa na lang ang kanyang baga.
Bukod sa lung cancer, may iba pang sakit na maaaring mangailangan ng ganitong procedure, kabilang na ang:
- Traumatic lung injury
- Malignant mesothelioma
- Pulmonary tuberculosis
- Bronchiectasis
- Congenital lung disease
- Bronchial blockage na may sirang baga
- Mga fungal infection sa baga
- Disseminated thymomas
- Pulmonary metastases (isang tumor na umabot na sa iba pang bahagi ng katawan papunta sa baga)
Mga Posibleng Panganib ng Pag-alis ng Baga
Bawat surgical procedure ay may posibleng panganib. Para sa pag-alis ng baga, kabilang sa mga panganib ang:
- Respiratory failure
- Pneumonia
- Pulmonary embolism (pamumuo ng dugo sa baga)
- Shock
- Impeksyon sa bahagi ng sugat
- Sobra-sobrang pagdurugo at side infections
- Abnormal heart rhythms (arrhythmias)
- Nabawasang daloy ng dugo sa puso
- Bronchopleural Fistula (hindi normal na koneksyon sa pagitan ng bronchus at pleural space)
- Empyema (pleural abscess o fluid sa baga)
- Iba pang mga komplikasyon at allergic reaction sa anesthesia
- Matagalang kakapusan ng hininga (lalo na tuwing may gawain)
- Organ failure
- Postpneumonectomy syndrome (napupuno ng mga natitirang organ sa dibdib ang espasyo kung saan tinanggal ang baga)
Ano na ang Susunod na Mangyayari: Mabubuhay Ka Ba Nang May Isang Baga Lamang?
Ang maikling sagot sa tanong na ito ay oo. Mabubuhay ka pa rin nang may isang baga lamang kung ang natitirang baga ay kayang akuhin ang iyong paghinga.
May dalawang baga sa iyong katawan, at ang network ng mga tubo ay nag-uugnay sa parehong ito papunta sa iyong bibig. Ginagamit ng dalawang baga ang mga tubong ito upang magdala ng oxygen papunta sa katawan at upang ilabas ang carbon dioxide. Lahat ng proseso ng katawan ay nangangailangan ng oxygen, habang waste product naman ang carbon dioxide. Kung kinakailangan, karamihan sa mga tao ay kayang mabuhay nang may isang baga lamang sa halip na dalawa. Kapag napinsala ang isang baga, maaaring kumuha ng sapat na oxygen ang isa pang baga at alisin ang carbon dioxide.
Pagpapagaling Matapos ang Surgery ng Pag-alis ng Baga
Ang pagpapagaling matapos ang pneumonectomy ay may dalawang bahagi: immediate post-operative recovery (pananatili sa ospital) at long term recovery (panahon habang nasa bahay). Aabot ng ilang linggo hanggang ilang buwan ang buong panahon ng pagpapagaling, depende sa pamamaraan na ginamit ng iyong doktor sa pag-alis ng baga. Isa ring salik ang pagtanggap ng katawan mo sa gamutan.
Dahan-dahang inaako ng natitirang baga ang lahat ng trabaho at pinalalawak ang kakayahan nito matapos ang pneumonectomy procedure.
Maaari nang magbalik nang paunti-unti ang pasyenteng dumaan sa pneumonectomy sa non strengthening activities ilang linggo matapos ang surgery. Ang mga pasyenteng walang naging problema matapos ang operasyon ay makababalik na sa trabaho tapos aang walong linggo. Gayunpaman, karamihan sa mga pasyenteng dumaan sa pneumonectomy ay maaaring makaranas ng kakapusan sa paghinga (dyspnea) sa loob ng hanggang anim na buwan.
Normal lang sa taong makaranas ng takot at mangamba kapag sinabi ng doktor ang posibilidad ng pag-alis ng baga. Dapat mong malaman ang lahat ng panganib, at mga komplikasyon bago sumailalim sa surgical procedure na ito.
Matuto pa tungkol sa Iba Pang Respiratory Issues dito.