brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad

Share

Sakit sa Heart Valve: Lahat ng Dapat Mong Malaman

Ano ang Sakit sa Heart Valve?

Ano ang depinisyon ng sakit sa heart valve? Ito ay tumutukoy sa kahit na anong maraming kondisyon na nakasasagabal sa isa o higit pang valves sa iyong puso na magtrabaho nang maayos.

Sakit sa Heart Valve: Lahat ng Dapat Mong Malaman

Mayroong apat na valves sa iyong puso, at bawat isa ay responsable sa paggabay sa daloy ng dugo sa tamang direksyon.

Sa bawat pagtibok ng puso, binubuksan at sinasara ito ng valve. Ngunit kung ang heart valve na kumokontrol ng daloy ng dugo ay nag-malfunction, ang daloy ng dugo ay maaaring mahinto, tumagas, o bumalik pataas.

Kabilang sa sakit sa heart valve ang kahit na anong kondisyon na may kaugnay sa valves, na atrial, pulmonary, mitral at tricuspid valves.

Ilan sa mga tao na may sakit sa heart valve ay hindi magkakaroon ng kahit na anong sintomas.

Ang iba ay maaaring maranasan ang atake sa puso, stroke, o pagkakaroon ng blood clots. Maaaring humantong ang sakit sa heart valve sa maraming ibang kondisyon sa puso, tulad ng hypertension at heart failure.

Basahin upang malaman ang tungkol sa depinisyon ng sakit sa heart valve at matuto tungkol sa mga sintomas, sanhi, banta, diagnosis at lunas.

Senyales at Sintomas

Maaaring makakitaan ng iba’t ibang sintomas ang sakit sa heart valve. Ang karaniwang senyales at sintomas ng sakit mula rito sa kabuaan ay:

  • Kakapusan ng paghinga
  • Palpitation sa puso
  • Fatigue
  • Discomfort na paninikip ng dibdib
  • Pagkahilo o panghihina
  • Panghihina
  • Pamamaga ng mga bukong-bukong, mga paa, o tiyan
  • Mabilis na pagdagdag ng timbang

Maaaring mayroon pang mga sintomas na hindi nakalista sa itaas. Kung mayroon kang alalahanin tungkol sa mga sintomas na nasa itaas, pakiusap na konsultahin ang iyong doktor.

Kailan kailangan magpatingin sa doktor?

Kung mayroon kang kahit na anong sintomas na nakalista sa itaas, kumonsulta sa iyong doktor.

Ang iyong doktor ay susuriin ang iyong puso sa pakikinig sa pamamagitan ng stethoscope upang matukoy ang kahit na anong abnormalidad, maging ang pag-check sa iyong mga baga at pagsusuri ng iyong katawan kung may nanatiling tubig.

Sanhi at Mga Banta

Sa ibang mga kaso, ang sakit sa heart valve ay isang birth defect o simula pa pagkapanganak. Gayunpaman, ang kondisyon na ito ay karaniwang medikal na kondisyon na may ibang sanhi.

Ang ilang mga kondisyon na maaaring humantong sa sakit sa heart valve ay:

  • Infective endocarditis, na pamamaga ng tissue sa puso
  • Rheumatic fever, na pamamaga na sanhi ng infection sa group A streptococcus bacteria
  • Aortic aneurysm, na abnormal na pamamaga o bukol sa aorta
  • Atherosclerosis, na pagtigas ng arteries
  • Myxomatous degeneration, na panghihina ng connective tissue sa mitral valve
  • Lupus na chronic autoimmune disorder
  • Coronary artery disease
  • Cardiomyopathy at syphilis
  • Connective tissue diseases
  • Tumors
  • Ilang uri ng gamot
  • radiation

Ang kondisyon sa kalusugan na ito ay maaaring makaapekto sa mga indibidwal ng kahit na anong edad ngunit mas karaniwan sa mga birth defects o matatandang tao. Maaari itong ma-manage sa pamamagitan ng pagbawas ng mga banta.

Maraming mga banta para sa heart valve disease, tulad ng:

  • Edad
  • History ng sakit sa puso
  • History ng pre-existing na kondisyon, tulad ng impeksyon sa puso at rheumatic heart disease
  • Pagkakaroon ng atake sa puso
  • Hypertension
  • Mataas na cholesterol
  • Diabetes
  • Kawalan ng pisikal na gawain
  • Congenital heart disease (na mayroon pa simula pagkapanganak)

Diagnosis & Lunas

Upang matukoy ang sakit sa heart valve, maaaring pakinggan ng doktor ang iyong puso sa pamamagitan ng stethoscope sa physical exam.

Maaaring maka-detect ang doktor ng hindi normal na tunog ng puso o murmur sa iyong physical na eksaminasyon. Ngunit maaari mo ring matukoy ang hindi regular na rate ng puso na maaaring tumukoy ng problema sa iyong heart valves.

Ang ibang tests matapos ang physical exam ay imaging tests at tests para sa daloy ng dugo. Matapos ito, maaari nang i-monitor ng iyong doktor ang pag-proseso ng heart valve at pumili ng akmang lunas.

Chest X-Ray

Ang test na ito ay magpapakita sa iyong doktor ng hugis, laki at posisyon ng puso; minsan ang sakit sa heart valve ay nagpapalaki ng puso.

ECG

Makatutulong ito sa pagtukoy ng hindi normal na ritmo ng puso maging ang paglaki ng chamber ng puso.

Echocardiography at transesophageal echocardiography

Ang tests na ito ay gumagamit ng soundwaves (ultrasound) upang mag-produce ng detalyadong mga larawan ng iyong puso at arteries.

Cardiac catheterization

Ang test na ito ay hinahayaan ang doktor na makita kung mayroong abnormalidad sa daloy ng dugo na sanhi ng iyong valves.

Paano nalulunasan ang heart valve disease?

Base sa pagiging malala ng heart valve disease at ang sintomas na mayroon, maaaring magmungkahi ang doktor ng ilang mga lunas para sa iyo. Katulad ng kahit na anong kondisyon sa puso, kakailanganin mo ng ongoing na medikal na atensyon. Gayunpaman, magandang ideya na ihinto ang paninigarilyo kung naninigarilyo, at magsagawa ng balanseng diet.

Maaaring magreseta ang iyong doktor ng ilang mga gamot upang malunasan ang iyong kondisyon. Maaaring ito ay beta-blockers at calcium channel blockers na nakatutulong na makontrol ang rate ng puso at daloy ng dugo, diuretics upang mabawasan ang pananatili ng fluid, o vasodilators na nagbubukas o nagbubuka ng blood vessels.

Kung ikaw nasa malalang kondisyon na, kakailanganin ng operasyon. Sa tipikal, kabilang sa operasyon ang pag-aayos ng heart valve sa pamamagitan ng sariling tissue. Maaaring gamitin ang valve ng hayop kung magsasagawa ng biological valve replacement. O ang iyong doktor ay maaaring gumamit ng donated na valve mula sa ibang tao o artificial valve.

Pagbabago ng Lifestyle & Lunas sa Bahay

Ngayon na alam mo na ang depinisyon ng heart valve disease, ano ang ilang pagbabago sa lifestyle na makatutulong upang i-manage ang kondisyon na ito? Ang mga sumusunod ay maaaring makatulong na mag-cope:

  • Alamin ang uri at extent ng sakit sa heart valve
  • Hayaan ang iyong cardiologist na ipaliwanag at talakayin ang sintomas na kailangan na antabayanan
  • Sabihin sa lahat ng iyong doktor at dentista na mayroon kang heart valve disease
  • Tawagan ang iyong doktor kung nagsimula kang magpakita ng kahit na anong sintomas ng impeksyon
  • Alagaan ang iyong mga ngipin at bagang;
  • Uminom ng antibiotics bago sumailalim sa kahit na anong procedure na maaaring humantong sa pagdurugo;
  • Inumin ang iyong mga gamot ayon sa panuto ng doktor;
  • Regular na bisitahin ang iyong doktor.

Kung mayroong mga tanong, pakiusap na konsultahin ang iyong doktor upang mas maunawaan ang pinakamainam na solusyon para sa iyo.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

medical
Mae Charisse Antalan, MD
Narebyung medikal ni
General Practitioner
Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a