Ano Ang Astigmatism At Paano Nagkakaroon Ang Isang Tao Nito?
Napakahalagang bahagi ng ating katawan ang mga mata. Ito ang nagsisilbing isa sa mga gabay natin para makagawa tayo ng iba’t ibang klaseng aktibidad. Kung wala ang ating mga mata hindi natin makikita ang mga bagay at tao sa ating paligid, kaya naman dapat mong ingatan ang iyong mga mata upang maiwasan ang panlalabo nito at pagkabulag. Para mapangalagaan ang ating paningin, maganda na alamin mo ang mga sakit sa mata na pwede mong harapin nang sagayon ay magkaroon ka ng ideya kung paano mo dapat ingatan ang iyong mga mata. Isa sa mga bagay na mahalagang malaman mo ay kung ano ang astigmatism, dahil malaki ang kaugnayan nito sa panlalabo ng paningin ng isang tao.

Basahin ang artikulong ito para malaman kung ano ang astigmatism at paano nagkakaroon ang isang tao nito?
Ano Ang Astigmatism?
Isang uri ng kondisyon at sakit sa mata ang astigmatism. Ito ang hindi tugmang kurba ng ibabaw ng cornea o lente ng iyong mga mata. Sa astigmatism maaari kang makaranas ng panlalabo ng paningin, o pagkawala ng pokus ng iyong paningin sa isang bagay na tinitignan. Ito’y dahil hindi pantay ang naging pagtama ng liwanag sa ibabaw ng iyong mga mata.
Sa pag-unawa sa astigmatism dapat mo munang malaman ang istruktura ng ating mga mata at paano pinoproseso ang liwanag na pumapasok dito.
Sa katunayan, ang ating cornea at lente ang 2 kurbadong bahagi ng ating mga mata na nagkukurba o nagbe-bend ng liwanag na papunta sa’ting retina.
Ang ating cornea ang malinaw na ibabaw o surface ng ating mga mata. Ang lente naman ang malinaw na parte sa loob ng ating mata na nagbabago ng hugis para makatulong sa pagkakaroon ng pokus sa mga bagay na nakikita natin sa malapit.
Bukod pa rito, ang mga matang may perpektong hugis ay parang bola sa hugis at itsura. Kapag tugma ang mga kurba ng iyong cornea at lente, nabe-bend nito ang liwanag na pumapasok sa ating mga mata para gumawa ng isang malinaw na larawan sa retina na nasa likod na bahagi ng ating mga mata.
Ayon sa mga eksperto, pag-aaral, at artikulo, ang kondisyong ito ay pwedeng mula sa pagkapanganak o bunga ng isang injury, operasyon sa mata, o sakit.
Paano Nagkakaroon Ng Astigmatism Ang Isang Tao?
Ang astigmatism ay isang kondisyon na dulot ng banayad na mga depekto na nagaganap sa paraan ng pag-bend ng iyong mata sa liwanag (isang prosesong tinatawag na repraksyon) na dumadaan sa retina, ang light-sensitive area sa likod ng ating mata. Ang ating optic nerve ay nagpapadala ng nerve impulses mula sa retina patungo sa ating utak na nagsasalin sa kanila sa paningin.
Kapag gumagana nang maayos ang ating mga paningin, ang cornea at lens sa likod nito ay nagre-refract ng liwanag papunta sa retina. Sa madaling sabi, ang imperpeksyon sa curvature ng cornea o ang ating lens (o pareho) ay pwedeng pumigil sa mga larawan na tamang mapokus sa retina. Kung saan nakikita ng utak natin ang ocular foul-ups na ito bilang hindi malinaw o mga distort na larawan.
Dagdag pa rito, kapag hindi naging tugma ang kurba ng lente at cornea natin hindi magiging maayos ang pag-bend nito sa liwanag na sanhi ng refractive error at panlalabo ng paningin.

Anu-Ano Ang Sintomas?
May mga pagkakataon na astigmatism ay hindi napapansin agad sa mga bata. Kaya naman mahalaga na mayroon tayong kaalaman tungkol sa mga sintomas ng astigmatism, at magkaroon ng konsultasyon sa doktor.
Narito ang mga sumusunod na sintomas ng astigmatism:
- Panlalabo ng iyong paningin
- Pagkakaroon ng magulong paningin
- Pananakit ng ulo
- Pagkakaroon discomfort sa isa o dalawang mga mata
- Pagkahilo
- Nahihirapan na makakita sa gabi
- Madalas o panay na pag-squint ng ating mga mata
Anu-Ano Ang Uri Ng Astigmatism?
Mayroong 3 uri ng astigmatism na masasabing pinakakaraniwang uri ng kondisyon sa mata. Narito ang mga sumusunod:
- Myopic — Ang myopic na astigmatismo na kilala rin sa tawag na myopia (nearsightedness) ay isa sa mga pinakakaraniwang kondisyon sa mata na makikita sa mga bata. Sobrang nakakurba ang kanilang mga mata. At ang liwanag na mula sa isang malayong bagay ay nagiging focused sa harap ng kanilang retina. Ito’y nagiging dahilan kung bakit nawawala sa pagka-focus ito.
- Hyperopic — Ang hyperopic na astigmatism naman o hyperopia (farsightedness) hyperopia ay masasabing kabaligtaran naman ng myopia. Bunga ito ng kakulangan ng kurba sa mga mata, kaya naman ang liwanag na pumapasok sa ating mga mata ay napopokus sa likod ng ating retina. Ito ang sanhi kung bakit ang mga bagay sa malapit ay nagmumukhang hindi nakapokus sa ating paningin.
- Mixed — Ang ikatlong uri naman ng astigmatism ay ang pagkakaroon ng isang tao ng pangunahing meridian na nearsighted at isa pang meridian na farsighted. Lubha itong nakakapagpalabo ng paningin, dahil sobrang mahirap na mapokus ang isang bagay sa paningin ng tao.
Anu-Ano Ang Mga Risk Factor?
Kahit sino o anumang kasarian at edad ay pwedeng magkaroon ng astigmatism. Narito ang ilang mga salik na pwedeng makaapekto sa pagkakaroon ng astigmatism:
- Pagkakaroon ng mga miyembro ng pamilya na may astigmatism at iba pang kondisyon sa mata
- Sobrang nearsighted o farsighted
- Numinipis at naghuhugis na cone na cornea
- Nagkaroon ng operasyon sa mata tulad ng pagtanggal ng katarata
Paano Ito Maiiwasan?
Narito ang ilang mga paraan para maiwasan ang astigmatism:
- Regular na pagpapakonsulta sa espesyalista at doktor sa mata para sa medikal na payo, diagnosis, at paggamot
- Pagsusuot na corrective lens na aprubado ng doktor sa mata
Paano Ito Ginagamot?
Narito naman ang mga paggamot na pwedeng gawin sa astigmatism:
- Pagsailalim sa astigmatism surgery at eye surgery gaya ng LASIK para maitama ang astigmatism
- Pagsusuot ng eyeglasses at contact lenses na inirekomenda ng mga doktor at espesyalista sa mata
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Paglabo at Pagkawala ng Paningin dito.