Tulad ng lahat ng organ sa katawan ng tao, kailangang mabantayan ang mga kidney sa lahat ng oras upang matukoy kung may dapat bang ipag-alala dito. Kaya naman, natural lang na isipin natin kung ano ang normal at abnormal na laki ng kidney, at ano ang sinasabi nito tungkol sa ating kalusugan.
Ano ang Normal na Laki ng Kidney?
Ang average na laki ng kidney sa matanda ay nasa 10 hanggang 12 cm na mas maliit ng kaunti sa nakakuyom na kamao. Ngunit nagbabago ang laki ng kidney sa pagtanda. Upang mas maging tiyak, tingnan ang listahan sa ibaba upang malaman ang normal na laki ng kidney ayon sa age group:
- Laki ng Kidney ng matanda: 10 – 14 cm na haba para sa mga lalaki at 9 – 13 cm haba para sa mga babae. Ang width range ay nasa 3 – 5 cm, 3 sa antero-posterior thickness, at may timbang na 150 – 260 g. Kadalasan, mas malaki ang kaliwang kidney kumpara sa kanang kidney.
- Laki ng kidney ng mga bata: depende ito sa kanilang edad at laki.
0 – 12 na buwan: 5 cm 2 buwan – 6 buwan: 5.7 cm 6 buwan – 1 taon: 6.2 cm 1 taon – 5 taon: 7.3 cm 5 taon – 10 taon: 8.5 cm 10 taon – 15 taon: 10 cm 15 taon at higit pa: ang laki ng kidney sa partikular na age group na ito ay pareho sa normal na laki ng kidney ng matatanda. Bakit Lumiliit ang Kidney?
Ang pag-urong o pagliit ng kidney ay tinatawag na kidney atrophy. Nangyayari ang kidney atrophy dahil sa dalawang kadahilanan:
- Congenital problem: hindi lubos na nabuo ang kidney mula pagkapanganak
- Ang iba pang dahilan ay nangyayari matapos ipanganak, at maaaring makaapekto ito sa isa o parehong kidney. Nangyayari ito kapag mababa ang suplay ng dugo na naipapadala sa kidney at/o kawalan ng nephrons.
Nangyayari din ang kidney atrophy dulot ng pagkaharang at chronic infections. Ang pag-urong na ito ay maaaring mauwi sa ilang mga isyung pangkalusugan tulad ng sakit sa kidney. At mas lalong lumiliit, mas malala ang mga epekto nito sa kidney. Kapag parehong kidney ang lumiit, mauuwi ito sa kidney failure.
Dagdag pa, ang maliit na kidney ay kadalasang indikasyon ng hindi na magagamot na pinsala mula sa sakit. Sa Pilipinas, ang pagliit ng kidney ay pangalawa sa hypertension at diabetes, at maging ang long-standing kidney disease.
Bakit Lumalaki ang Kidney?
Tinatawag na hydronephrosis ang pamamaga ng kidney. Nangyayari ito kapag may naiipong ihi sa kidney. Hindi nasasala palabas ang ihi mula sa kidney dulot ng pagkabara, at maaari itong mangyari sa parehong kidney.
Nangyayari ang hydronephrosis dahil sa mga sumusunod:
- Congenital blockage
- Pamumuo ng dugo
- Pagbubuntis
- Kidney stones
- Pilat sa tissue mula sa mga surgery o injury
- Non-cancerous enlarged prostate
- Tumor o cancer
- Urinary tract infection (UTI)
Madalas na nakikita ang paglaki ng kidney sa mga sakit tulad ng diabetes (sa early stages ng diabetic nephropathy), multiple myeloma at polycystic kidney disease.
Paano Mo Malalaman Kung Mayroon Kang Abnormal na Laki ng Kidney?
Upang malaman kung mayroon kang abnormal na laki ng kidney, kailangan mong magpunta sa doktor at ipatingin ang iyong kidney sa pamamagitan ng ultrasound o x-ray. Susukatin ito ng doktor at sasabihin kung mayroon kang normal o abnormal na laki ng kidney.
Pagkatapos matukoy ng doktor kung lumaki o lumiit ang iyong kidney, maaaring magsagawa pa ng ilang test upang matingnan ang sanhi at makapagbigay ng tamang intervention.
Kung ma-diagnose na may sakit sa kidney o kidney failure, maaari silang magkaroon ng komplikasyon tulad ng:
- Anemia
- Sakit sa buto
- Mataas na potassium
- Sakit sa puso
- Gout
- Fluid build up
- Metabolic acidosis
- Mababang calcium (para sa chronic kidney disease)
- Mataas na calcium (madalas na naiuugnay sa acute kidney injury)
- Mataas na phosphorus
Mahalagang malaman ang normal na laki ng kidney ng matatanda na nasa 10 – 12 cm, anumang mas maliit o mas malaki dito ay maaaring maging sanhi ng problema. Patingnan ang kidneys upang maiwasang mapinsala ng malalang problema ang iyong kidney sa hinaharap.
Matuto pa tungkol sa sakit sa kidney dito.