backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Sex On Phone: Paano Ito Nakatutulong Sa Long Distance Relationship!

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD · Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

Sex On Phone: Paano Ito Nakatutulong Sa Long Distance Relationship!

Sa relasyon hindi maiiwasan ang intimacy bilang form of love — mahirap sa ilan ang LDR, kaya hindi nakapagtataka kung nagagawa ng couples ang “sex on phone” o SOP. Para mapanatili ang kanilang intimacy sa isa’t isa.

natural method

Alam mo ba na ang pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal at dating kasintahan na si Leonor Rivera ay nakayanan ang LDR sa loob ng 11 years? At para mapanatili ang kanilang intimacy sila ay nagpalitan ng mga sulat, nang sa gayon ay magkaroon sila ng balita sa isa’t isa. Dahil hindi pa naman uso ang internet at phones sa panahon nila.

Subalit, ngayong 21st century maraming gadgets na ang naimbento na maaaring gamitin ng mag-partner. Dumami na ang kanilang opsyon para magamit ang mga ito sa kanilang intimacy. Ang phone sex ay hindi inirerekomenda parati lalo’t konserbatibong bansa ang Pilipinas. Ngunit may mga magkapareha na pinipili itong gawin. Dahil sa mga tulong na naibibigay nito para sa mga Long Distance Relationship.

Ano-ano ang mga tulong na ito? Alamin sa artikulong ito!

Sex On Phone: Paano Nakakatulong Sa Magkarelasyon?

Ang SOP ay nakatutulong na ma-relieve ang stress at makapagbigay ng relaxation sa bawat magkapareha. Nakatutulong din ito para maging mas malapit pa sila sa isa’t isa kaysa dati. 

Narito ang ilan sa mga bagay na naitutulong ng SOP sa magkapareha:

Pagpapatibay ng Relasyon

Ang pagkakaroon ng SOP routine ay nakapagbibigay ng oportunidad sa mag-partner na patuloy na isipin ang kapareha. Kaya maaaring mas lumiit ang tsansa na magtaksil sa karelasyon. Ang SOP ay ibang-iba sa sex toys dahil ang phone sex ay nakatutulong sa mag-partner na maging emosyonal.

Nabibigyan ang magkapareha ng pagkakataon para masabi sa bawat isa ang ilang mga romantikong bagay o pahayag na hindi nasasabi sa normal na pakikipag-sex.

Pagpapanatili sa mas maayos na Long Distance Relationship

Hindi madaling i-maintain ang romantic fire sa isang LDR. Kaya naman ang pagkakalikha sa konsepto ng SOP ay isang malaking relief para sa ilan. Para mas maramdaman nila na parang malapit lamang sila sa kanilang karelasyon at maging exciting ang pag-uusap. Maaaring maging malaki ang role nito sa pagkakaroon ng interesanteng relasyon sa kabila ng pagiging LDR. Nakatutulong din ang phone sex para mabawasan ang pagka-miss ng magkapareha sa isa’t isa.

Nakapagpapataas ng Sex Drive

Ang sex on phone ay isang magandang paraan para ma-boost ang sex drive at ma-satisfy ang sexual cravings. Isa itong paraan para ma-explore ang iyong katawan, kung nasaan ang pleasure zones at magkaroon ng creative way para ma-stimulate ang iyong senses. Dagdag pa rito ang sexually-explicit conversation sa pagitan ng 2 tao ang dahilan kung bakit nagiging exciting ang phone sex.

Love Making

Isa sa mga bagay na naaalis sa magkarelasyon kapag sila ay nasa LDR — ay ang kanilang sex life. Sa pamamagitan ng phone sex maaaring mapunan nito kahit paano ang pangangailangan ng mag-couple para na rin sa kanilang sekswal at mental na kalusugan.

Nagpro-Promote Ng Safe Sex

Ang sex on phone ay nakatutulong para makaiwas sa anumang impeksyon na maaaring makuha sa aktwal na pakikipag-sex.

Napapataas Ang Self-Confidence

Ang phone sex ay maaaring makatulong sa’yo na maging confident sa pag-express ng sariling damdamin at sexual desires. Maaaring ma-practice ang isang tao na maging mas vocal. Kung ano ang mga bagay na nakapag-sa-satisfy sa kanya during sex at paano mo siya tratratuhin sa kama, kapag kayo ay nagkita na.

Sex On Phone: Mga Paalala Na Dapat Tandaan!

Bagama’t may mga bagay na naitutulong ang sex on phone. Hindi pa rin ito basta-basta dapat na ginagawa. Lalo ng mga batang wala pa sa hustong gulang. Marami ring mga negatibong epekto at panganib ang phone sex. Narito ang mga sumusunod:

Recording

Dahil nga nasa digital na panahon ang mundo. Hindi imposible na mai-record ang inyong phone sex. Kung saan ang isa sa maaaring maging implikasyon nito ay tungkol sa inyong privacy. Tulad ng pagpapasa sa ibang tao ng inyong phone sex recording.

Blackmail

Ang pagba-blackmail gamit ang inyong phone sex recording ay hindi malabong mangyari. Lalo na kung dumating sa punto na ito ang gamiting alas laban sa iyo, sa oras na magkaproblema kayo ng iyong kapareha.

Sexual exploitation

Maaari itong pagmulan ng sexual exploitation dahil sa lawak ng kayang gawin ng tao, gadgets at internet. Hindi malayo na magamit ito bilang platform at maging biktima ka. 

Paalala Sa Mga Magulang Para Sa Kanilang Mga Anak

Hindi maitatangi na sa panahon ngayon ay pabata nang pabata ang mga indibidwal na pumapasok sa romantic relationship. Kaya bilang magulang kinakailangan na mabigyan sila ng sapat na gabay sa kung paano gagamitin ng tama ang teknolohiya para sa pakikipagrelasyon, para maiiwas din sila sa kapamahakan.

Sex On Phone: Paalala Sa Mga Nasa Hustong Gulang

Ang bawat isa ay may free will, subalit kinakailangan pa rin na maging maingat at responsable. Mainam na huwag gawin basta-basta o kung kani-kanino ang SOP. Dahil maaari itong pagmulan ng mga mabibigat na problema. Ang phone sex ay nakatutulong sa maraming aspeto ngunit ang main danger nito ay maaaring mauwi sa adiksyon. 

Key Takeaways

Ang SOP ay isa sa mga tinuturing na paraan ng intimacy ng ilang mga couples. Subalit kinakailangan pa rin ng pag-iingat dahil tayo ay nasa digital na panahon. Maraming posibilidad na maaaring magbukas sa phone sex. Dahil sa lawak ng pag-iisip ng tao ngayon at ng pagiging moderno ng panahon.

Matuto pa tungkol sa Sexual Wellness dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

advertisement iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

advertisement iconadvertisement
advertisement iconadvertisement