Karaniwang nararanasan ang pananakit ng tiyan, pero ano nga ba ang sanhi nito, at kailan ka dapat magpatingin sa doktor. Marami sa atin ang madalas kumonsulta sa mga kaibigan o kamag-anak tungkol sa mga gamot, pero mas mainam na malaman natin ang tamang pagsusuri ng sakit ng tiyan.

Ang sakit ng tiyan o “abdominal pain” ay parang isang enigma—minsan simple lang, minsan naman ay hudyat ng mas malalim na problema. Hindi basta-basta dapat uminom ng kahit anong gamot dahil iba-iba ang sanhi ng sakit na ito. Puwedeng hyperacidity, heartburn, gastritis, ulcer, o baka naman problem pa sa apendiks!
Kaya importante ang tamang pagsusuri bago uminom ng kahit anong gamot. Tandaan na ang mali o hindi angkop na gamot ay maaaring magpalala pa ng iyong kondisyon imbes na gamutin ito.
‘Di ba nakakabahala kapag biglang sumasakit ang tiyan mo? Lalo na kung ‘di mo alam kung bakit? Maraming Pilipinong nagkakasakit ng tiyan ay nagse-self medicate muna—nakakabahala ito!
May mga kaso kung saan ang sakit ay dahil lang sa indigestion o kabag. Pero minsan, ito’y maaaring senyales ng mas seryosong kondisyon tulad ng ulcer o gastritis.
Ibang usapan na kapag may kasamang sintomas tulad ng:
Ang mga sintomas na ito ay maaaring hudyat ng mas seryosong problema na dapat agad na makonsulta sa doktor.
Isa sa mga karaniwang sanhi ng pananakit ng tiyan ay hyperacidity. Nangyayari ito kapag masyadong maraming asido ang ginagawa ng tiyan. Maaari itong magdulot ng ng pananakit ng tiyan. Maaari itong may kasamang pangangasim ng tiyan at kabag.
Kaugnay naman ng hyperacidity ang acid reflux. Nangyayari ito kapag umaakyat pabalik sa esophagus ang asido mula sa tiyan. Maaari itong magdulot ng heartburn, o ang pakiramdam na may umaakyat na asido patungo sa dibdib.
Kung nakakaranas ka ng pananakit ng tiyan, maaaring kailangan mong magpatingin sa doktor para sa tamang pagsusuri at malaman ang posibleng sanhi nito.
Bilang bahagi ng pagsusuri, maaaring tanungin ka ng doktor tungkol sa iyong mga sintomas, tulad ng kung kailan nagsimula ang pananakit, gaano ito kadalas, ano ang maaaring nagpapalala nito, at iba pang kaugnay na impormasyon.
Kasunod nito, maaaring mag-request ang doktor ng mga laboratoryo gaya ng:
Iba’t ibang sakit, iba’t ibang lunas—ganyan ang usapan pagdating sa tiyan. Mahalagang malaman mo kung anong klaseng gamot ang kailangan mo para sa iyong nararamdaman.
Narito ang mga karaniwang gamot na ginagamit para sa iba’t-ibang uri ng sakit ng tiyan:
Tandaan: kahit OTC (over-the-counter) ang mga gamot, hindi ibig sabihin ay puwede itong inumin nang walang pag-iingat. Lalo na kapag may iba ka pang iniinom na gamot, maaaring magkaroon ng tinatawag na “drug interaction.”
Kung hyperacidity ang nararanasan mo, maaaring angkop sa iyo ang Aluminum Hydroxide + Magnesium Hydroxide + Simeticone (Kremil-S) para ma-neutralize ang stomach acids. Kremil-S Tablet works within five minutes.
Kung heartburn at acid reflux naman ang nararanasan mo, maaaring mas angkop ang Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance). Ito ay magandang opsyon kung mas gusto mo ang chewable tablet at madalas kang nakakaranas ng heartburn at acid reflux. This works within three minutes at nagbibigay ng ginhawa nang hanggang 12 oras.
Maaari ring mas angkop sa iyo ang Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Kremil-S Cool Relief) kung mas gusto mo ang mabilis at nakapapawing ginhawa sa liquid format. This works within 1 minute at masarap ang lasa.
Maraming natural na paraan para pagaanin ang sakit ng tiyan.Narito ang ilang hakbang na puwedeng subukan:
Kahit simpleng pag-iwas sa pagkain 2-3 oras bago matulog ay makakatulong para maiwasan ang acid reflux sa gabi.
Maaari ring subukan ang mga halamang gamot para sa sakit ng tiyan. Heto ang ilan sa mga natural remedies na puwede mong subukan:
Kahit gaano kalakas ang galit mo sa tiyan mo, relax ka lang rin. Nakakagulat man, pero maraming digestive issues ay may koneksyon sa stress. Kaya ang meditation, deep breathing, at yoga ay nakakatulong din talaga!
Ang pananakit ng tiyan ay maaaring sanhi ng iba’t ibang kondisyon, kaya mahalagang malaman ang sanhi nito bago uminom ng gamot o subukan ang anumang lunas. Para sa ilang banayad na sintomas, maaaring makatulong ang mga over-the-counter na gamot para sa mabilis na ginhawa, habang mahalagang malaman kung kailan kailangan ang pagsusuri ng doktor at kung anong mga paraan ang makatutulong upang maiwasan ang pag-ulit ng sintomas.