backup og meta

Lahat ng Dapat Mong Malaman Tungkol sa Kung Ano ang Sinus Arrhythmia

Ang puso ang isa isa sa mga organ sa iyong katawan na tumutugon sa lahat ng ginagawa mo at nararamdaman. Gayunpaman, ang puso ay madali ring kapitan ng maraming sakit. Ayon sa World Health Organization, nangunguna ang cardiovascular disease sa mga sanhi ng pagkamatay para sa mga babae at lalaki sa buong mundo. Kahit ang pagpintig ng puso ay maaaring magkaroon ng problema tulad ng sinus arrhythmia. Ano ang sinus arrhythmia?

Lahat ng Dapat Mong Malaman Tungkol sa Kung Ano ang Sinus Arrhythmia

Ang Natural Pacemaker ng Puso

Ang bahagi ng puso na responsable sa pagpintig ng puso ay ang sinoatrial node (SA node). Isang natural pacemaker ng puso ang node na ito. Ang SA node ay kumpol ng mga cell sa kanang atrium ng puso, na nagpapadala ng electrical impulse sa mga wall ng atrial. Ito ang sanhi ng pagko-contract ng puso. Mahalaga ang ginagampanan nito sa pagkontrol ng tibok ng puso sa pamamagitan ng patuloy na pagpapadala ng impulse.

Ano ang Sinus Arrhythmia?

Ang sinus arrhythmia ay tumutukoy sa mga disorder sa pagpintig ng puso dulot ng hindi paggana nang tama ng SA node. Ginagamit ang salitang Arrhythmia upang ilarawan ang iregular na tibok ng puso.

Mga kondisyong nasa ilalim ng sinus arrhythmia:

Sinus Bradycardia

Ang sinus bradycardia ay isang uri ng sinus arrhythmia na mailalarawan bilang mas mabagal kumpara sa normal na tibok ng puso. Karaniwang may heart rate na mas mababa sa 60 pagtibok kada minuto ang taong may sinus bradycardia. Ang normal na SA node ay dapat na nakagagawa ng hindi bababa sa 60 hanggang 100 tibok kada minuto.

Isang uri ng sinus bradycardia ang physiologic sinus bradycardia. Maikokonsidera itong hindi mapaminsala. Wala rin itong anumang sintomas. Karaniwan itong nangyayari sa mga atleta o mga bata. Gayunpaman, maaaring nakamamatay ang sinus bradycardia na nauugnay sa iba pang uri ng sakit sa puso. Kapag mas mabagal ang tibok ng puso, mas kaunti ang maisusuplay na dugo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, na nauuwi sa mas seryosong mga sakit o kondisyon.

Tachycardia

Ang Tachycardia ay isang kondisyon kung saan mabilis kaysa sa normal ang tibok ng puso. Kadalasang may bilis na higit sa 100 tibok kada minuto ang taong may tachycardia. Minsan, ang mabilis na tibok ng puso ay hindi senyales ng isang disorder. Maaaring bumilis ang tibok ng puso dulot ng maraming dahilan tulad ng pag-eehersisyo o stress. Gayunpaman, nangyayari ang tachycardia kahit walang dahilan para sa puso na bumilis ang tibok.

Ang pinakakaraniwang uri ng tachycardia ay kilala bilang atrial fibrillation. Ang ganitong uri ng tachycardia ay ang “nanginginig” na uri ng paggalaw kaya’t hindi nakapagpa-pump nang maayos ng dugo ang puso. 

Bradycardia-Tachycardia

Kombinasyon ang kondisyong ito ng parehong nabanggit kanina na sinus arrhythmia. Sa Bradycardia-Tachycardia, ang puso ay may iregular na bilis na maaaring masyadong mabagal o masyadong mabilis.

Mga Sanhi ng Sinus Arrhythmia

Hindi pa rin sigurado ang mga eksperto sa kung ano ang sanhi ng sinus arrhythmia. Isa sa posibleng sanhi nito ay ang edad. Sa nagdaang mga taon, maaaring maipon ang mga pinsala sa SA node na dahilan upang hindi ito gumana nang maayos at maging sanhi ng iregularidad sa bilis ng tibok ng puso. 

Ilan pa sa mga kondisyong maaaring magresulta sa sinus arrhythmia ang:

  • Mga sakit sa puso tulad ng coronary heart disease, cardiomyopathy, at iba pang inflammatory condition sa puso.
  • Ilang gamutan tulad ng para sa hypertension o Alzheimer’s tulad ng antiarrhythmics o beta blockers.
  • History ng heart attack
  • Trauma na nagdudulot ng peklat sa SA node, kadalasang mula sa heart surgery.
  • Sobrang thyroxine sa katawang dulot ng hyperthyroidism.

Mga Sintomas ng Sinus Arrhythmia

Kadalasan, hindi nagdudulot ng anumang kapansin-pansing sintomas ang sinus arrhythmia. Karamihan sa mga pasyenteng may sintomas ay walang kaugnayan sa sakit sa puso.

Kabilang sa ilang mga sintomas nito ang:

  • Palpitation o pakiramdam na ang pulso mo ay mas mabagal kaysa sa normal
  • Pakiramdam na nahihilo
  • Hindi makahinga o dyspnea
  • Nahihimatay o nawawalan ng malay
  • Masakit o may hindi magandang pakiramdam sa dibdib
  • Pagkapagod

Mga Komplikasyon ng Sinus Arrhythmia

Kung hindi magagamot, maaaring mauwi ang kondisyong ito sa hindi na mababagong pinsala sa tissue ng puso. Ito ay dahil sa paglipas ng mga araw, ang iregularidad sa tibok ng iyong puso ay makaaapekto sa paggana ng puso at iba pang bahagi ng katawan. 

Ilan sa mga komplikasyon ng sinus arrhythmia ay ang sumusunod:

  • Heart failure, na maaaring mauwi sa mas seryosong resulta tulad ng cardiac arrest o heart attack.
  • Injury o trauma lalo na kung mawalan ka ng malay sa lugar na hindi mo inaasahang mangyayari ito.
  • Nabawasan ang daloy ng dugo sa iba pang organ tulad ng utak o ng kidney na pwedeng mauwi sa stroke o kidney failure.

Treatment sa Sinus Arrhythmia

Hindi lahat ng sinus arrhythmia ay nangangailangan ng treatment. Sa katunayan, maraming tao ang maaaring mabuhay nang mas matagal kahit may ganito silang sakit. Kung side effect ng gamutan ang kondisyong ito, maaaring ipahinto ng iyong doktor ang gamot na ito at magreseta ng iba.

Maaaring magreseta ang mga doktor ng blood thinners upang mabawasan ang panganib ng pamumuo ng dugo. Ang mga pasyenteng hindi na maibabalik sa dati o hindi matukoy na sanhi ng sinus arrhythmia ay maaaring gumamit ng pacemaker.

Ang pacemaker ay isang device na inilalagay sa dibdib, na kadalasang malapit sa collarbone. Awtomatikong matutukoy ng pacemaker kung nagiging iregular ang tibok ng iyong puso, at magpapadala ng signal sa iyong puso upang tulungang itama ang bilis nito.

Matuto pa tungkol sa kalusugan ng puso dito. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cardiovascular Diseases, https://www.who.int/health-topics/cardiovascular-diseases/#tab=tab_1, Accessed December 29, 2020.

Heart Beat, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/17064-heart-beat#:~:text=Your%20heartbeat%20is%20triggered%20by,atrium%2C%20called%20the%20SA%20node., Accessed December 29, 2020.

Sick sinus syndrome, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sick-sinus-syndrome/symptoms-causes/syc-20377554, Accessed December 29, 2020.

Sinus Bradycardia, https://www.cedars-sinai.org/health-library/diseases-and-conditions/s/sinus-bradycardia.html, Accessed December 29, 2020.

Sick Sinus Syndrome, https://www.health.harvard.edu/a_to_z/sick-sinus-syndrome-a-to-z, Accessed December 29, 2020.

Tachycardia, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/tachycardia/symptoms-causes/syc-20355127#:~:text=Tachycardia%20is%20the%20medical%20term,to%20have%20a%20fast%20heartbeat., Accessed December 29, 2020.

What is Atrial Fibrillation (AFib or AF)? https://www.heart.org/en/health-topics/atrial-fibrillation/what-is-atrial-fibrillation-afib-or-af, Accessed December 29, 2020.

Sick Sinus Syndrome, https://www.uofmhealth.org/health-library/te7175abc, Accessed December 29, 2020.

Heart pacemaker, https://medlineplus.gov/ency/article/007369.htm, Accessed December 29, 2020.

Kasalukuyang Version

08/19/2026

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Mapipigilan ang Palpitation o Mabilis na Tibok ng Puso?

Mabilis Na Tibok Ng Puso: Mapanganib Ba Ang Sinus Tachycardia?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas