Our skin is the largest organ of the human body at malaki rin ang gampanin nito sa pagprotekta sa atin laban sa mga external factor gaya bakterya, kemikal, at temperatura. Kaya mahalaga na alagaan ang balat upang maiwasan ang pagkakaroon ng iba’t ibang skin condition na nakakasagabal sa paggana nang maayos ng ating balat.
Dahil ayon sa mga doktor ang mga skin condition ay maaaring magdulot ng pantal, pamamaga, pangangati o iba pang mga pagbabago sa balat. Kung saan ang ilang mga kondisyon ng balat ay pwedeng genetic at lifestyle factors. Nagkakaiba rin ang mga sintomas at kalubhaan ng mga kondisyon sa balat tulad ng eczema, psoriasis, at dermatitis sa bawat tao.
Maaaring resulta ng allergens, virus, fungi, bacteria, at parasites ang pagkakaroon ng skin condition ng isang tao. Kung saan ang allergic skin condition ay nati-trigger ng allergens— at ang karaniwang makukuha ito sa mga ilang partikular na pagkain, sabon, materyales o balahibo ng hayop. Habang ang iba pang mga kondisyon, gaya ng eczema, psoriasis, at dermatitis ay nakapagdudulot ng discomfort at iritasyon sa isang tao. Ito rin ang mga skin condition na madalas na nararanasan ng isang indibidwal.
Kaya naman para maiwasan ang pagkakaroon nito at ma-manage nang tama ang mga kondisyon sa balat na ito, patuloy na basahin ang article na ito upang malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga skin condition na pwede mong maranasan, gaya ng eczema, psoriasis, at dermatitis.
Batay sa Mayo Clinic, ang dermatitis ay isang general term na naglalarawan ng common skin irritation. Maraming sanhi ang dermatitis na kadalasang kinabibilangan ng makati, tuyong balat o pantal, viral infection, bakterya, stress, genetic makeup, at problema sa immune system. Bukod pa rito, ang pakikipag-ugnay mo sa isang bagay na nakakairita sa’yong balat o sa mga bagay na makaka-trigger ng isang allergic reaction — gaya, poison ivy, pabango, lotion at alahas na naglalaman ng nickel ay maaaring maging dahilan ng dermatitis.
Sa ilang mga pagkakataon pwede itong maging dahilan ng blister, ooze, crust o pag-flake ng balat. Kung saan, may 3 karaniwang uri ng kondisyon ang dermatitis; ang atopic dermatitis (eczema), seborrheic dermatitis at contact dermatitis.
Gayunpaman, ang dermatitis ay hindi naman nakakahawa, pero maaari kang magkaroon ng discomfort at ma-conscious. Dagdag pa rito, ang pagkamot sa makating pantal na nauugnay sa dermatitis ay pwedeng magdulot ng mga bukas na sugat na maaaring maging infected at maging dahilan ng pagkalat nito sa katawan.
Ayon muli sa Mayo Clinic, ang bawat uri ng dermatitis ay may posibilidad na maganap sa ibang bahagi ng iyong katawan. Maaaring kabilang sa mga palatandaan at sintomas nito ang mga sumusunod:
- tuyong balat
- pangangati (pruritus)
- pantal sa mga namamagang balat na iba-iba ang kulay depende sa skin color ng isang tao
- mga paltos
- flaking skin (balakubak)
- makapal na balat
- mga bukol sa mga follicle ng buhok
Risks factors ng dermatitis
Batay muli sa Mayo Clinic, narito ang mga risk factor ng dermatitis na dapat mong malaman:
- Mga kondisyon sa kalusugan
May mga kondisyong pangkalusugan na maaaring maglagay sa iyo sa mas mataas na panganib ng seborrheic dermatitis, kung saan kinabibilangan ito ng congestive heart failure, Parkinson’s disease at HIV/AIDS.
Maaaring maganap ang dermatitis sa anumang edad, ngunit ang atopic dermatitis (eczema) ay mas madalas sa mga bata kumpara sa mga matatanda. Kadalasan din itong nagsisimula sa pagkabata.
Ang mga trabahong nangangailangan ng pakikipag-ugnayan sa ilang partikular na metal, solvent o cleaning supplies ay nagpapataas ng iyong panganib na magkaroon ng contact dermatitis.
Ang mga taong may personal o family history ng eczema, allergy, hay fever o hika ay mas malamang na magkaroon ng atopic dermatitis.
Paano pwede gamutin at iwasan ang dermatitis?
Nakakatulong ang regular na pag-moisturize na kontrolin ang mga sintomas ng dermatitis. Kung saan maaaring kabilang sa paggamot nito ang medicated ointments, cream at shampoo.
Narito naman ang mga paraan upang maiwasan ang dermatitis:
- Gumamit ng nonsoap cleanser para maiwasan ang pagkatuyo ng balat
- Patuyuin ang iyong sarili nang malumanay. Pagkatapos maligo, dahan-dahang patuyuin ang iyong balat gamit ang malambot na tuwalya.
- I-moisturize ang iyong balat at habang basa pa ang iyong balat, i-moisture ito gamit ang oil, cream o lotion.
Kailan dapat magpakonsulta sa doktor?
Dapat kang magpakonsulta sa isang eksperto kapag may discomfort kang nararamdaman sanhi ng iyong skin irritation. Sa oras din na makaranas ka ng pananakit ng balat at hindi pa rin humuhupa ang iyong mga sintomas kahit gumawa ka ng self-care steps sa paggamot na nakabatay sa medical advice, huwag mag-alinlangan na magpakonsulta sa doktor.
Ayon sa artikulo nasa National Library of Medicine, ang eczema ay isang termino para sa iba’t ibang uri ng pamamaga ng balat. Kung saan ang eczema ay tinatawag ding dermatitis at karamihan sa mga uri nito ay nagdudulot ng mga sumusunod:
- tuyong balat
- makating balat
- mga pantal sa mukha, maging sa siko, tuhod, kamay, at paa
Bukod pa rito, ang pagkamot sa balat ay maaaring maging dahilan ng pamumula ng balat, at lalong pamamaga at pangangati. Gayunpaman, ang eczema ay hindi nakakahawa at nanatiling hindi pa rin alam ang sanhi nito. Pero sinasabi ng mga eksperto na malamang na sanhi ng genetics at environmental factors ang skin condition na ito. Kung saan maaaring bumuti o lumala ang eczema sa paglipas ng panahon at ang mga taong mayroon nito ay pwedeng magkaroon ng hay fever at hika.
Ang pinakakaraniwang uri rin ng eczema ay ang atopic dermatitis. Madalas ito sa mga sanggol at bata, bagama’t ang mga matatanda ay maaari ring magkaroon. Tandaan mo rin na habang tumatanda ang mga batang may atopic dermatitis, pwedeng bumuti o mawala ang skin condition nila. Pero kung minsan ang balat nila ay maaaring manatiling tuyo at madaling mairita.
Ano ang mga trigger na pwedeng magpalala ng eczema?
- hormonal changes
- mga materyales tulad ng wool o synthetic fabrics
- allergy reactions
- malamig at tuyong panahon
- pollen
- balahibo ng alagang hayop
- alikabok
- harsh o mabangong sabon, detergent, o shampoo
Ano ang mga paggamot sa eczema
Maaaring kabilang sa mga treatment ng eczema ang mga gamot, cream sa balat, light therapy, at magandang pangangalaga sa balat. Maaari mong maiwasan ang ilang uri ng eczema sa pamamagitan ng pag-iwas sa:
- stress
- mga bagay na nakakairita sa iyong balat, tulad ng ilang partikular na sabon, tela, at lotion
- mga bagay na allergic ka, tulad ng pagkain, pollen, at mga hayop
Kailan ka dapat magpakonsulta sa doktor?
Ang balat na apektado ng eczema ay maaaring maging sobrang kati. Ang patuloy na pagkamot rin ay maaaring humantong sa pagdurugo at mga impeksyon. Kaya naman bago pa ito maganap, magpakonsulta sa doktor kapag nakaranas ka ng discomfort dulot ng eczema. Dahil kapag ang isang impeksyon ay tumagal, pwedeng lumala ang iyong eczema, maging ang pamamaga at pananakit ng balat. Maaari ka ring magkaroon ng dilaw na kulay na mga spot at crusting na dahilan ng pagsisimula ng pagtulo ng mga likido na mula sa iyong balat.
Tandaan mo rin na sa mas malalang mga kaso, maaaring magkaroon ka ng mataas na temperatura at na maging dahilan ng pagsama ng iyong pakiramdam sa pangkalahatan.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang psoriasis ay isang chronic autoimmune skin disease na nagpapabilis sa growth cycle ng skin cells. Bukod pa rito, ang psoriasis ay kadalasang may tipikal na hitsura na maaaring makilala ng primary care doctor, ngunit maaari rin na mapagkamalan bilang iba pang mga sakit sa balat (tulad ng eczema). Kaya naman ang dermatologist ang madalas na pinakamahusay na doktor sa pagda-diagnose nito.
Paano ginagamot ang psoriasis?
Ang paggamot sa psoriasis ay kadalasang nakadepende sa kung gaano kalaki ang balat ang apektado, kung gaano kalubha ang sakit. Ang mga treatment na pwedeng gamitin ay mga cream at ointment na inilapat sa mga apektadong lugar, ultraviolet light therapy, mga gamot (tulad ng methotrexate).
Maaaring mayroon kang psoriasis kung naranasan mo ang mga sumusunod na sintomas:
- makapal, kulay-pilak na scaling patch sa mas matingkad na balat
- purplish-grey, makinis, makintab na mga patch sa mas maitim na balat
Tandaan mo rin na ang psoriasis ay maaaring umunlad sa kahit saang bahagi ng katawan ngunit kadalasang nangyayari ito sa mga palad o paa, sa skin folds, siko, tuhod, o sa anit.
Pagkakatulad ng psoriasis at eczema
Ang eczema at psoriasis ay magkapareho ng hitsura, pero sa kaibuturan, magkaiba sila. Bagama’t ang 2 skin condition na ito ay kapwa nagdudulot ng patches ng makati na balat at pantal. Halos magkatulad sila ng mga sintomas, ngunit magkaibang kondisyon sa balat ang eczema at psoriasis na may iba’t ibang dahilan.
Ang psoriasis ay isang chronic autoimmune disease na nagpapataas ng bilis, kung saan nagbi-build ka ng skin cells. Habang ang eczema ay isa ring chronic immune reaction na nagdudulot ng mga pantal, pangangati, at pamamaga ng balat.
Dagdag pa rito, maaari kang magkaroon ng psoriasis at eczema sa parehong oras, ayon sa National Psoriasis Foundation.
Key Takeaways
Ang pag-alam sa lahat ng bagay sa eczema, psoriasis, at dermatitis ay isang mahusay na hakbang upang maiwasan ito — at mas mapangalagaan ang balat. Lagi mo ring tatandaan na ang skin condition tulad ng eczema at psoriasis ay nangangailangan pa nang higit na pag-aaral upang maunawaan ang “exact cause” nito.
Huwag ka ring mag-atubili na magpakonsulta sa doktor sa oras na makakita ka ng mga sintomas na may kaugnayan sa eczema, psoriasis, at dermatitis, dahil ang mga eksperto ang higit na makakatulong sa iyo upang makakuha ng angkop na paggamot. Napakahalaga na marinig mo ang kanilang medical advice para maiwasan ang anumang pagkasira at komplikasyon sa balat.