Sa lahat ng uri ng cancer sa mga lalaki, 1% nito ang testicular cancer. Ngunit para sa mga batang lalaki na nasa edad 15-35, ang testicular cancer ang pinakakaraniwang uri ng cancer. Ano ang mga senyales ng testicular cancer?
Sa lahat ng uri ng cancer sa mga lalaki, 1% nito ang testicular cancer. Ngunit para sa mga batang lalaki na nasa edad 15-35, ang testicular cancer ang pinakakaraniwang uri ng cancer. Ano ang mga senyales ng testicular cancer?

Makatutulong ang pag-alam sa mga maagang senyales ng testicular cancer upang maagang makakuha ng treatment. Mas malaki ang tsansa ng tao na gumaling, lalo na kung nasa mga unang stage pa lang ang cancer.
Isa sa mga unang senyales ng testicular cancer ang hindi masakit na bukol sa isa o sa parehong testicle. Tumor ang mga bukol na ito. Madalas itong maliit, at lumilitaw na halos kasinlaki ng buto o jolen.
Karaniwang hindi sumasakit ang mga bukol na ito kapag hinahawakan, at hindi nagdudulot ng discomfort o hindi magandang pakiramdam habang maliit pa.
Hindi palaging nangangahulugan na cancer ang mga tumor sa testicle, ngunit hindi sila dapat balewalain. Kung mapansin ang anumang hindi pangkaraniwang bukol sa testicle, siguraduhing kumonsulta sa doktor sa lalong madaling panahon para masuri ito.
Isa pang maagang senyales ng testicular cancer ang paglaki ng isa o parehong testicle. Kapag tumanda na ang isang lalaki, wala nang dahilan para lumaki ang kanilang mga testicle. Karaniwang senyales ng isang problema ang anumang paglaki.
Sa ngayon, karaniwan lamang na bahagyang mas malaki ang isang testicle kaysa sa isa. Ngunit kung may kapansin-pansing pagkakaiba na wala noon, maaari itong maging senyales ng testicular cancer.
Nangangahulugang kinakailangan na magpasuri sa lalong madaling panahon para malaman kung ano ang sanhi ng paglaki ng iyong mga testicle.
Isa sa mga maagang senyales ng testicular cancer ang pananakit o hindi magandang pakiramdam sa scrotum.
Maaari itong mangyari kasabay ng pamamaga, ngunit posible ring makaramdam ng pananakit at hindi magandang pakiramdam nang walang pamamaga.
Madalas ito nangyayari dahil sa paglaki ng tumor sa loob ng mga testicle, na nagdudulot ng pananakit at hindi magandang pakiramdam. Sumasakit din minsan ang testicle kapag hinahawakan.
Kung nakararanas ng mga sintomas na ito, mas mainam na ipasuri ito sa doktor.
Hindi dapat balewalain ang pananakit ng scrotum dahil maaaring isa itong senyales ng testicular cancer.
Kung nakararanas ng pananakit sa ibabang bahagi ng tiyan, singit, scrotum, o maging sa anus, ibig sabihin, isa ito sa maagang senyales ng testicular cancer.
Resulta ng paglaki ng tumor o mga cancer cell sa mga testicle ang nararamdaman na pananakit.
Lubos na nakababahala ang nararamdamang sakit sa singit o ibabang bahagi ng tiyan lalo na kung walang anumang history ng problema sa bato, o kung bigla na lang naramdaman ang pananakit.
Kung maranasan ang sintomas na ito, mabuting ipatingin ito sa doktor sa lalong madaling panahon.
Maaari ding senyales ng testicular cancer ang pananakit ng ibabang bahagi ng likod. Lalo pa at lumilitaw ang senyales na ito kapag kumalat na ang testicle cancer sa mga lymph node sa likod ng tiyan.
Ngunit maaari din maging senyales ng kidney stones o iba pang problema sa kalusugan ang pananakit ng ibabang bahagi ng likod. Anuman ito, dapat unahin ang pagpapatingin nito sa doktor. Dapat ipag-alala ang anumang hindi maipaliwanag o biglaang sakit na nararamdaman.
Isa pang maagang senyales ng testicular cancer ang mabigat na pakiramdam sa scrotum. Nakararamdam ng mabigat na pakiramdam sa scrotum dahil sa paglaki ng mga cancer cell sa loob ng scrotum.
Maaaring lumabas minsan ang sintomas na ito kasama ng pananakit o paglaki ng mga testicle. Kaya kung nakararanas ng anumang pinagsamang mga sintomas na ito, mainam na ipatingin ito sa doktor.
Panghuli, posibleng mapansin na mas matigas ang isang testicle kaysa sa isa. Hindi ito normal, at madalas na senyales ito ng abnormal na paglaki ng mga testicle.
Makatutulong ang pagpapasuri nito nang maaga para matiyak kung cancer ito, upang makakuha ng agarang treatment bago ito kumalat o lumala.
Kahit walang paraan para maiwasan ang testicular cancer, may ilang hakbang na maaari mong gawin para mapababa ang iyong panganib mula dito. Narito ang ilan sa mga hakbang:
Panghuli, kailangang kumonsulta sa doktor ng mga lalaking nakakita ng bukol sa kanilang testicle sa lalong madaling panahon.
Matuto pa tungkol sa kalusugan ng kalalakihan dito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Can Testicular Cancer Be Prevented?, https://www.cancer.org/cancer/testicular-cancer/causes-risks-prevention/prevention.html#:~:text=Many%20men%20with%20testicular%20cancer,this%20disease%20at%20this%20time., Accessed July 10 2020
Testicular Cancer: Symptoms, Causes, Diagnosis & Treatment, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/12183-testicular-cancer, Accessed July 10 2020
Testicular Cancer: Symptoms and Signs | Cancer.Net, https://www.cancer.net/cancer-types/testicular-cancer/symptoms-and-signs, Accessed July 10 2020
Testicular Cancer Signs and Symptoms | American Cancer Society, https://www.cancer.org/cancer/testicular-cancer/detection-diagnosis-staging/signs-and-symptoms.html, Accessed July 10 2020
Testicular Cancer: Symptoms, Diagnosis & Treatment – Urology Care Foundation, https://www.urologyhealth.org/urologic-conditions/testicular-cancer, Accessed July 10 2020
Testicular cancer – Symptoms – NHS https://www.nhs.uk/conditions/testicular-cancer/symptoms/, Accessed July 10 2020
Kasalukuyang Version
02/26/2026
Isinulat ni Daniel de Guzman
Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD
In-update ni: Jan Alwyn Batara