brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad
Pangangalaga

Patalastas

Share

Mainam ba ang Gatas para sa Diabetes?

mainam ba ang gatas para sa diabetes

Mainam ba ang Gatas para sa Diabetes?

Kung mayroong diabetes, mahalagang maunawaan na hindi lahat ng gatas ay masustansya. Totoo na nangangailangan ng calcium at potassium ang katawan mula sa supplement na ito, ngunit ang pangunahing punto ay ang saturated fat, carbohydrates (carbs), at asukal ay may panganib na makaapekto sa blood sugar. Kaya ang tanong ay – mainam ba ang gatas para sa diabetes?

Maraming mga diabetic, pagkatapos makarinig ng walang batayan tsimis tungkol sa pag-inom ng gatas, ay tuluyan na itong inalis sa kanilang diet. Ngunit hindi nakakatulong ang pag-alis nito sa mga nutrisyon. Ang totoo ay ang mga may type 2 diabetes ay maaaring uminom ng raw milk gaya ng dati nang may mahigpit na kontrol at ang gatas ay dapat na angkop para sa lagay ng kalusugan. Kaya ang gatas ay mabuti para sa mga pasyente ng diabetes? Oo, ngunit mayroong babala.

Mainam nga ba ang gatas para sa Diabetes?

Sa pangkalahatan, ang bawat 250ml ng gatas ay nagbibigay ng 12 grams ng carbs. Kapag nasa katawan, ito ay nagiging glucose at maaaring maging sanhi ng biglaang pagtaas ng blood sugar kung mas mataas ang nainom nito.

Dahil dito, iminungkahi ng American Diabetes Association (ADA) na dapat balansehin ng pasyente ang kanilang araw-araw na konsumo sa carbs kung nais na maayos na makontrol ang blood sugar. Maliban pa rito, dapat obserbahan ang blood sugar bago at pagtapos kumain upang malinaw na matukoy kung aling mga pagkain ang ligtas para rito at kung ilan lamang ang maaaring kainin.

Anong uri ng gatas ang mainam para sa diabetes?

Mabuti ang gatas para sa diabetes – anong uri? Maraming uri ng gatas din ang naglalaman ng saturated fat o hindi malusog na food additives. Lahat ng mga sangkap na ito ay nauugnay sa cardiovascular na sakit, malubhang komplikasyon ng diabetes.

Gayunpaman, kung maayos na umiinom ng raw na gatas, maaari pa ring makakuha ng magandang benepisyo mula rito. Ang katotohanan ay ang pag-inom ng hilaw na gatas ay maaaring makatulong na mabawasan ang panganib ng diabetes.

Sa ngayon, natuklasan ng iba-ibang pag-aaral ang ugnayan ng pag-inom ng gatas at type 2 diabetes. Natuklasan ng pananaliksik na ang dieta na mayaman sa saturated fats ay may kakayahang maiwasan ang type 2 diabetes, labis na katabaan, pati na rin ang iba pang mga problema sa cardiovascular. Ito ay dahil sa palmitoleic acid (fatty acid na matatagpuan sa milk fat) na nagpapabuti sa sensitivity ng insulin. Higit pa rito, ang taba na karaniwan sa mga dairy products ay naglalaman din ng butyrate, ito ay kilala hindi lamang bilang nagpapabuti ng gut microbiota kundi pati na rin para sa pagpigil sa pamamaga na nauugnay sa paglala ng malalang sakit tulad ng diabetes at cardiovascular disease.

Bilang karagdagan, ang phytanic acid (fatty acid na mula sa raw milk) at conjugated linolenic acid ay naiulat din nakababawas sa panganib ng diabetes at cancer.

Gayunpaman, tulad ng nabanggit, ang saturated fats ay hindi mabuti para sa kalusugan ng puso. Ang mga mungkahi para sa mga may diabetes ay kadalasang nakatuon sa dami ng mga carbs sa raw milk kaysa sa dami ng taba.

Anong gatas ang Mainam para sa Diabetes?

Depende ito sa pangangailangan ng bawat indibidwal sa carb. Maraming uri ng sariwang gatas at ang pagpili kung anong uri ng gatas ang iinumin ay depende sa kagustuhan, ang iba ay ibabatay sa mga pagpipilian ng pagkain at kabuuang carbs na ginagamit sa araw.

Halimbawa, kung nais na uminom ng dagdag na kahon ng unsweetened na sariwang gatas, kailangang bawasan ang pang-araw-araw na serving para balansehin ang pangangailangan sa carb. Mainam na hatiin ang mga pagkain at uminom ng gatas kasabay ng pagkain habang sinusuri ang blood sugar.

Mas magiging simple ang pag kalkula ng carb kung mayroong nutrition label ang mga dairy products. Salamat sa mga tala ng nutrisyon, malinaw na maiintindihan ang dami ng mga carbs sa bawat uri, kasama ng iba pang impormasyon tulad ng dami ng asukal sa gatas, at iba pa.

Bilang pangkalahatang payo, iwasan ang mga gatas na may asukal at iwasan ang gatas na mataas sa saturated fat at trans fat. Ito ay hindi mabuti para sa kalusugan ng puso. Sa halip, dapat gumamit ng mga produktong naglalaman ng monounsaturated o polyunsaturated na taba upang limitahan ang pagsipsip ng masamang kolesterol (LDL).

Mga Uri ng Gatas at Nutritional Value nito

Sa pangkalahatan, ang mga taong may diabetes ay dapat uminom ng humigit-kumulang 1-2 tasa ng gatas bawat araw. Maraming iba’t ibang mga pagpipilian na maaaring isangguni sa ibaba:

Purong sariwang gatas

  • Mga calorie: 149
  • Taba: 8g
  • Carbohydrates: 12g
  • Fiber: 0
  • Protein: 8g
  • Calcium: 276mg

Skim milk

  • Calories: 91
  • Fats: 0.61g
  • Carbohydrates: 12g
  • Fiber: 0
  • Protein: 9g
  • Calcium: 316mg

Unsweetened Almond Milk

  • Calories: 39
  • Fat: 2.88g
  • Carbohydrates: 1.52g
  • Fiber: 0.5–1g
  • Protein: 1.55g
  • Calcium: 516mg

Soy milk without sugar

  • Calories: 79
  • Fat: 4.01g
  • Carbohydrates: 4.01g
  • Fiber: 1g
  • Protein: 7g
  • Calcium: 300mg

Unsweetened flaxseed milk

  • Calories: 24
  • Fat: 2.50g
  • Carbohydrates: 1.02g
  • Fiber: 0
  • Protein: 0g
  • Calcium: 300mg

Sugar-free rice milk

  • Calories: 113
  • Fat: 2.33g
  • Carbohydrates: 22g
  • Fiber: 0.7g
  • Protein: 0.67g
  • Calcium: 283mg

Huwag Uminom ng gatas kung…

Bagama’t ito ay magandang pagmumulan ng nutrisyon sa katawan, lalo na ang vitamin D, ang gatas ay maaaring hindi magandang pagpipilian para sa mga may type 2 diabetes, lalo na sa mga sumusunod na dahilan:

Allergic sa gatas

Humigit-kumulang 0.1–0.5% ng mga nasa hustong gulang ay allergic sa gatas.

Lactose Intolerance

Ang mga taong may ganitong kondisyon ay madalas na hindi ganap na matunaw ang lactose sa gatas. Bilang resulta, sila ay madaling kapitan ng pagtatae at bloating. Karaniwang sanhi ng problemang ito ay kakulangan ng lactase – enzyme mula sa small intestine na humahantong sa lactose intolerance.

Tumataas na Intestinal Permeability

Kapag nasira na ang lining ng bituka, hindi na mapipigilan ng masikip na junction sa pagitan ng dingding ng bituka at ng daluyan ng dugo ang mga protina, bacteria, o bahagi nito na tumagas sa daluyan ng dugo. Bilang resulta, ang mga agent na ito ay nagti-trigger sa immune system na mag-overwork.

Ang bahagi ng immune system ay nakakatugon na rin sa mga allergen na matatagpuan sa gatas tulad ng alpha-casein, beta-casein, butyrophilin, at casomorphin. Sa kadahilanang ito, ang mga taong may pinsala sa mucosal ng bituka ay makakaranas ng mga sintomas tulad ng bloating, diarrhea, at heartburn kung iinom man ng gatas.

Gluten Intolerant ang Katawan

Ang gluten ay isang protina na matatagpuan sa trigo at rye. Alinsunod dito, ang mga taong intolerant sa sangkap na ito ay kadalasang nakakaranas ng heartburn, bloating, o pananakit ng kasukasuan kapag kumakain ng mga pagkaing ito. Ang mga taong may ganitong kondisyon ay hindi rin nakainom ng hilaw na gatas dahil pinapataas ng gluten ang permeability ng wall ng bituka.

Intestinal Bacterial Overload

Gaya ng pinahihiwatig ng pangalan nito, ang sobrang paglaki ng gut bacteria ay isa sa mga sanhi ng irritable bowel syndrome (IBS). Ang mga taong may sakit na ito ay maaaring makaranas ng ilang mga problema sa gastrointestinal tulad ng pagtatae, gas, at bloating dahil sa pagkasira ng bacteria sa maliit na bituka at pag-ferment ng asukal sa gatas.

Kung mayroon mga katanungan tungkol sa nutrisyon, diets, at tulad nito na may kaugnayan sa kondisyon sa diabetes, kumunsulta sa doktor.

Magbasa pa tungkol sa Type 2 Diabetes dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis, at gamot.

medical
Mae Charisse Antalan, MD
Narebyung medikal ni
General Practitioner
Isinulat ni Jerra Mae Dacara · Na-update noong 3 araw na ang nakalipas